Pasok si Gabbi Garcia bilang bagong Kapuso PBB host! Bagay na bagay kay Gabbi ito dahil nag-audition siya dati sa PBB Teen Edition 4, at ngayon host na siya sa Collab Edition ng PBB. Ang daming nag-float na pangalan na posibleng Kapuso star na mag-host like Julie Anne San Jose, Carla Abellana, Max Collins at iba pa. Pero Gabbi it is!
Ang tanong, since lahat ng nagho-host ay usually may firsthand experience ng buhay sa loob ng Bahay Ni Kuya, will Gabbi be locked in for some days sa bahay ni Kuya? Kaya? Abangan natin!
Baguhang aktor, nawalan ng padrino
Panahon daw ng breakup ngayon – kung ‘yan ang kinasapitan ni Andi Eigenmann at ang kanyang partner, ito rin daw ang tadhana ng boytoy ng isang businesssman na end of relationship sa isang baguhang aktor.
Paano na kaya itong si boytoy after pakitaan ng marangyang buhay at inilipat muna sa sahig papuntang kama?
Ang sabi ng taga-network niya, kailangan na niyang pagtrabahuhan na ang lahat ng kanyang kikitain. End na ng special favors. Paano na? Hindi na rin siya ang official escorts sa mga function at palaro? Let’s wait and see!
Best actor at Kate, nagbunga ang pagmamahalan
Dahil naging sina Ross Pesigan at Elora Españo dati (kasi sina Ross at Angeli Bayani na medyo matagal na) kumportable na sila sa isa’t isa – lalo na sa daring roles at scenes sa Anino Sa Likod Ng Buwan ni Jun Lana and adapted for stage by Tuxqs Rutaquio. Aabangan ‘yan sa PETA Theater on March 1-23.
Pero hindi si Elora ang original na aktres para sa role na Emma na nagbigay kay LJ Reyes ng Best Actress award sa Urian. Anyare sa original actress nito na na-announce na dati?
Oh well, si Kate Alejandrino ang aktres na dapat gumanap bilang rebeldeng torn between her comrade at ‘yung sundalo na supposedly na in love sa kanya. Anyare kay Kate at bakit siya pinalitan ni Elora sa role?
Ang official reason ay medical concern.
Ang tanong, totoo bang nagkaroon ng bunga ang pagmamahalan ni Kate at ng isang Best Actor? Talaga?
Nakakataquote:
Hindi raw sana sinapit ni Andi Eigenmann ang nangyari ngayon kung sinagot niya na ang proposal na magsama sila ni Xian Lim.
Hindi raw kasi maaliwalas ang kanilang kinabukasan kapag nagkatuluyan sila dahil ang magiging pangalan niya ay Andi-Lim.
Ngek!