John, inisnab ang birthday ng anak kay Priscilla!

Priscilla at Anechka

May mga nalungkot nang mabasa ang birthday message ni Priscilla Meirelles para sa anak nila ni John Estrada na si Anechka lalo na sa last paragraph. “In what feels like the blink of an eye, 13 years have flown by, and I can hardly believe it. My little girl is now a teenager. There’s so much to celebrate , cherish, and remember, and I can’t help but feel a wave of nostalgia for the moments we shared. Change is upon us, and I’m filled with excitement to embrace it together, helping her to reach for the stars.”

In-skip namin ang kasunod na paragraph at ang last paragraph na ang sinulat namin at kinowt si Priscilla. “Happy 13th Birthday to my #1BFF and my first and only true Love! Here’s to many more beautiful memories together.”

Ang ikinakungkot ng mga nakabasa ay dahil ang anak na si Anechka at hindi ang asawang si John Estrada ang kinu-consider nitong“only true love” niya. Saka, nasaan daw ba si John nang i-celebrate ng anak ang 13th birthday?

For sure, may birthday treat din ang actor kay Anechka, pero si Priscilla naman ang wala. Ano ba kasi ang totoong nangyari kina John at Priscilla?

Wala ba silang opisyal na pahayag tungkol dito?

Swiss bff ni Philmar, suko sa bashing!

“Popular” ang status ng Facebook account ni Pernilla Sjoo, ang girlash na cause ng pag-a-unfollow sa isa’t isa nina Andi Eigenmann at partner nitong si Philmar Alipayo. Ang daming bumibisita sa FB account nito at makikita ang marami nitong photos with Andi and Philmar.

Swiss pala ito at matagal nang based sa Siargao, 2013 pa at doon sila nagkakilala at naging BFF ni Philmar. Ninang pala ito ng anak nina Andi at Philmar na si Lilo at Filipino rin ang partner. May mga anak daw ito at may nakita nga kaming larawan na may kasama siyang dalawang bata. Hindi lang alam kung mga anak niya ang dalawang bata at kung ang ama ay ang partner niya ngayon.

Inaway ng netizens sina Philmar at Pernilla at kung anu-ano ang itinawag sa partner nia at dahil open pa ang Instagram nito, ibig sabihin, nakakaya niya ang pamba-bash sa kanya at tinanggap nga ang mga hurtful comments.

Si Pernilla, hindi kinaya ang bashing at nag-deactivate ng Instagram account niya. Comment ng netizens, saka nito i-a-activate ang kanyang IG account kapag humupa na ang isyu.

Winwyn, lalaban sa Miss U Ph!

Kabilang sa magku-compete sa 2025 Miss Universe Philippines ay si Winwyn Marquez and she will be representing Muntinlupa City. In-announce ang muling mag-compete niya sa beaucon sa official sashing at media launch ng Miss Universe Philippines.

Present sa event para magbigay ng suporta sa kanya ang pinsan at kapwa beauty queen na si Michelle Dee na former Miss Universe Philippines. At kapag nanalo si Winwyn dito, dalawa na ang titles niya dahil siya rin ang nanalong 2017 Reina Hispanoaamericana.

Malapit na ang coronation ng 2025 Miss Universe Philippines kaya abangan kung makakada­lawa siya ng korona.

Sa kanyang Instagram account, nag-post si Winwyn ng photo niya at may caption na “Hello, Philippines! Hello, Universe!!!” at marami agad ang nagpahayag ng suporta sa kanya.

Show comments