Sharon, may babala sa mga gustong gayahin ang pagpayat niya

Sharon Cuneta

Oo nga, ang payat na ni Sharon Cuneta.

Pero grabe naman pala ang sakri­pisyo niya na inumpisahan niya nine years ago.

Aniya sa unang post : “I decided to lose weight slowly on my 50th birthday (2016). It’s been 9 years of losing weight, gaining weight again, being happy and inspired, feeling disappointed and frustrated. So I finally decided to step it up and lose the last se­veral pounds this year. Nakakapagod. Nakakaiyak. Nakakagutom. Lahat na yata ng diyeta ginawa ko. Pero focused na now. Praying tuloy-tuloy na! Please pray for me. Excited na mamili ng mga damit na talagang gusto ko. But most of all, para super healthy na talaga!”

Kaya ang daming naatat na malaman kung ano finally ang bumagay sa kanyang diet.

Sinabi niyang sa YouTube lang ‘yun. Pero paa­lala niya, kailangan nilang mag-consult sa doctor bago magbilang ng kanilang calories sa pagkain.

Bahagi ng mahabang post niya : “Babala: ang normal sa akin ay ‘di normal sa iba! Una, di talaga ako mahilig sa kanin. Bread ang downfall ko! So pag “normal” ko na ang kain ko, 1/6 cup lang ng rice (mineasure ng yaya ko!), iwas tinapay, tapos LAHAT kakainin ko - pero lahat tikim lang! Nasanay na ako na pag gusto ko ng cake, di ko naman pala kailangan ubusin ang buong slice! Ulam gusto ko (minsan gulay ang ginagawa kong kanin) - tikim lahat at pag busog na, stop na,” bahagi ng post niya sa naging journey ng kanyang pagpayat.

Show comments