Pamilya nina Niño at Sandro, bumabalik na sa normal

Hindi matitigil ang pagkikita nina Sen. Bong Revilla at Niño Muhlach kahit on hold ang Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis dahil sa 2025 midterm elections. Tutulong si Niño sa kampanya ni Bong na magsi-seek ng reelection bilang senador.
Sinabi ito ni Niño nang makausap ng press sa motorcade ng cast ng nasabing action series-comedy.
Magbabalik din naman ang Walang Matigas... pagkatapos ng election at masaya si Niño na kasama pa rin siya sa show at hindi pinapatay ang kanyang karakter. Excited na rin siya sa Season 4 nito dahil may mga papasok na mga bagong karakter.
Kinumusta si Niño at ang anak na si Sandro at sagot nito, okay sila at okay ito. Unti-unti raw silang nakaka-recover sa nangyari sa anak at bumabalik sa normal ang kanilang buhay.
Samantala, ipinagmalaki ni Niño na five lbs., na ang nawala sa kanya mula nang mag-undergo ng weight loss program sa Baker Medical Aesthetics. Kahit biniro ng press na parang walang nabago sa katawan niya, hindi nagpatalo ang aktor. Hintayin lang daw kapag pumayat na siya.
Nakita naming kumain ito ng Halu-Halo sa Cabalen resto kung saan nag-lunch ang cast ng Walang Matigas... bago ituloy ang motorcade. Sabi namin, paano na ang weight loss niya? Sagot nito, “sugar free ito.” Huh!
Herlene at Tony, ‘nagtikiman’ na?!
Makikilala sa mediacon ang cast ng Binibining Marikit na pinagbibidahan nina Herlene Budol at Pokwang. Sa teaser pa lang, natawa na ang Kapuso viewers, lalo na siguro kapag regular na nila itong napapanood na magsisimula sa Feb. 10.
Nakakatawa ang mga linyahan ni Herlene gaya ng “Since I was birth” na ibig sabihin, “Since I was born.” Bale ba, confident si Marikit (Herlene) na sabihin ‘yun at kaswal ang pagbibitaw, kaya nakakatawa.
Hindi pa malinaw kung sino kina Tony Labrusca at Kevin Dasom ang leading man ni Herlene. Sana naman, hindi siya maintriga gaya ng nagyari noong makapreha niya si Rob Gomez sa Magandang Dilag na nagkaroon ng kontrobersya na binabalik-balikan pa rin hanggang ngayon.
Matutukso lang sila nito dahil sa interview sa aktor na gusto niya ang lips ni Herlene at mga mata nito na very expressive raw.
May kissing scene kaya ang dalawa, kaya nasabi ni Tony na gusto niya ang labi ni Herlene?
Bela, hinihingan ng paliwanag sa pag-like kay Xian
Iniintriga si Bela Padilla dahil sa pagla-like sa isang post tungkol kay Xian Lim. May nag-post ng photo ni Xian na naka-pilot uniform at may nag-comment ng “Wag kayo sasakay diyan, baka iwanan kayo niyan sa ere.”
Kabilang sa mga nag-like ng post na ‘yun ay si Bela, kaya ang tanong ng netizens, alin ang ni-like ni Bela?
Ang post patungkol sa pagiging private pilot ni Xian o ‘yung comment?
Best friends kasi sina Bela at ex ni Xian na si Kim Chiu, kaya hindi maiwasang mag-isip ang netizens na ‘yung comment ang ni-like ni Bela.
Kapag lumaki ang isyu na ito, sigurado ang netizens na may paliwanag si Bela sa kanyang pagla-like and everybody is waiting na kung ano ang kanyang sasabihin.
- Latest