^

PSN Showbiz

Erik, Christian at Yeng, first time sa Valentine concert

Pilipino Star Ngayon
Erik, Christian at Yeng, first time sa Valentine concert
Erik Santos, Christian Bautista, at Yeng Constantino.
STAR/ File

Bawat puso ay may kwento ng pag-ibig, at bawat kwento ng pag-ibig ay may kanta.

Ngayong Valentine’s season, binibigyang-buhay ng Stories of the Heart concert ang soundtrack na iyon kasama ang tatlo sa pinaka-idolo ang boses sa OPM – sina Erik Santos, Christian Bautista, at Yeng Constantino.

Sa kauna-unahang pagkakataon, nagsanib-puwersa ang mga iconic artist na ito upang pangunahan ang two-night show - Feb. 14 and 15 sa Newport Performing Arts Theater.

Ang Pop Ballad Royalty na si Erik Santos ay gumugol ng mahigit dalawang dekada sa kanyang mga kanta tungkol sa pagmamahal. Ibinigay din ng croo­ner ang kanyang boses sa mga soundtrack ng mga local drama series. Kilala rin siya sa mga klasikong OPM ballad na I’ll Never Go, Kung Akin Ang Mundo, Say You’ll Never Go, at Pagbigyang Muli.

Katulad ni Erik, mahigit 20 taon na sa industriya si Christian, at nakuha niya ang kanyang korona bilang Asia’s Romantic Balladeer. Kilala rin siyang versatile artist, mula sa kanyang bestselling records tulad ng signature anthem na The Way You Look at Me hanggang sa kanyang acting chops sa teatro at telebisyon.

Mula nang manalo siya sa Pinoy Dream Aca­demy noong 2006, gumawa si Yeng ng ‘anthem’  na sunud-sunod kasama ang Hawak Kamay, Ikaw, at  Chinito. Pagkalipas ng 17 taon, 7 album, at higit sa 70 mga parangal, hindi nagkukulang si Yeng na direktang magsalita sa puso sa kanyang mga pagtatanghal.

Bawat isa sa kanila ay may hatid na kakaiba sa mga magdiriwang ng Araw ng mga Puso – mga soulful ballads ni Erik, ang romantic voice ni Christian, at ang mataas na boses ni Yeng.

Ipagdiwang ang  Valentine  sa Newport Performing Arts Theater. Available na ang mga tiket sa lahat ng TicketWorld outlet: P9,500 (PLATINUM), P8,500 (SVIP), P7,500 (VIP), P5,800 (GOLD), P3,500 (SILVER), at P2,300 (BRONZE).

CHRISTIAN

ERIK

YENG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->