^

PSN Showbiz

Ex-PBB housemate, pinagkaabalahan sa pagkabulol sa pagre-report sa pagpanaw ni Tita Glo!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Napa-react ang mga netizen sa former PBB housemate na nagngangalang Jarren Garcia dahil ‘nabastos’ daw nito ang pumanaw na beteranang aktres na si Gloria Romero.

Kinol out nila ito nang hindi nila magustuhan ang pagsalang sa ex-housemate at sa TV Patrol Express kung saan nag-report ito tungkol sa pagpanaw ng batikang aktres.

Inglesero kasi ito at para itong batang nagpapraktis magbasa sa teleprompter. Sana raw hindi na lang ito pinilit na sumalang sa pagre-report lalo na kung sensitibo ang ibinabalita niya.

Nakakabastos daw kasi iyon sa pagkamatay ng ginagalang na icon sa industriya na si Gloria.

Gigil na gigil ang mga netizen nang mapanood nila ito at nanawagan pa ang mga ito na i-workshop muna at mag-aral magbasa at mag-Tagalog bago sumabak sa showbiz.

Mali nga raw ang mentality na ginawa nito ang makakaya niya lalo na at trabaho iyon.

Mas galit naman ang ibang netizen sa staff ng programa dahil bakit daw pinalusot ang starlet na ito kung hindi pa raw pala nito kayang magsalita nang diretsong Tagalog.

Hindi na raw uso ang magpa-cute lang at dapat may talent.

Pero sa totoo lang winner pa rin si Jarren, kung sino man siya, dahil napansin siya at pinagkaabalahang i-bash, ‘di ba.

Maraming bagets, interesadong pumasok sa showbiz!

Imagine mo na parang katatapos lang ng Pasko, ito Valentine’s day naman. Ang saya talaga dahil lalo na dito sa ‘Pinas na ang hilig natin sa holidays.

Good vibes naman na makita na masaya lahat ng tao lalo na ang kabataan.

We can say na talagang kahit ang showbiz ngayon dominated ng youngsters kaya naman very energetic ang vibes.

In fairness ha, cutie ang mga taga-Sparkle at young stars ng ABS-CBN. At sa tuwing may announcement ng mga search for new talents ang dami nang nagpapa-audition.

Talagang marami ang gustong mapasok sa showbiz. At may mga talent naman halos lahat. Kaya naman ngayon nga siguro dapat bumangon nang bongga ang showbiz.

Kahit pa nga sabihing diverted sa ibang bagay ang mga kabataan, marami pa rin ang tiyak na susuporta basta maganda ang isang bagay.

Wala na si Mother Lily Monteverde na talagang malaking bagay sa showbiz.

Pasok naman ang mga bagong gusto tulungang mabalik ang glitter ng local.

PBB

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->
ad