^

PSN Showbiz

Marvin,nasarapan sa pagmamahal ni Jolina!

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Marvin,nasarapan sa pagmamahal ni Jolina!
Jolina Magdangal at Marvin Agustin.
STAR/ File

Mainit na tinangkilik ng mga tagahanga ang tambalan nina Jolina Magdangal at Marvin Agustin noong dekada nobenta. Maraming mga proyekto ang pinagtambalan ng MarJo sa telebisyon man o pelikula. Sa mga nakalipas na dekada ay nanatiling espesyal na turingan nina Jolina at Marvin sa isa’t isa. “Pwede bang ilagay natin doon sa ‘the one’ ibig sabihin ‘yung kaibigan na very special? Kasi hindi naman siya nawala. Nandiyan pa rin siya para sa akin kapag kailangan ko ng kasama,” pagbabahagi sa amin ni Jolina sa Fast Talk with Boy Abunda.

“One of the best relationships is friendship. Hinding-hindi mawawala at maninimbang lagi ‘yung pagkakaibigan n’yo sa isa’t isa,” dagdag naman ni Marvin.

Mapapanood na simula ngayong Feb. 12 ang pelikulang Ex, Ex, Lovers na itinuturing nina Marvin at Jolina na ‘dream project.’ Kailangan umanong pakaabangan ng mga manonood ang bawat eksenang kanilang ginawa sa bagong proyekto. “We just recently cried over a scene na pakiramdam namin sinasabi namin ‘yon kay Marvin and Jolina, hindi lang kay Joy at Ced (mga karakter ng dalawa),” kwento ng aktor.

“Kasi ‘yung eksena na ‘yon talagang ang saya sana. Pero nag-end up siya na umiiyak pero sobrang saya ng puso,” giit naman ni Jolina.

Lubos ang pasasalamat nina Jolina at Marvin sa isa’t isa dahil mas lumalim pa ngayon ang kanilang samahan. “Thank you dahil may mga nakikita ka na ini-expect ko na makikita sana ng ibang tao, pero ikaw ang nakakita no’n. And sobrang important sa akin n’on,” makahulugang mensahe ng aktres kay Marvin.

“Thank you dahil ang sarap mo magmahal at ang sarap mo ring mahalin,” sagot naman ng aktor kay Jolina.

Eugene, kakaririn ang pagvo-vlog

Sumabak na si Eugene Domingo sa paggawa ng video blogs. Noong isang linggo ay nailunsad na ang The Eugene Domingo Channel sa YouTube. Sa unang episode ay naibahagi ng aktres ang tungkol sa isang desisyon sa buhay na hindi niya pinagsisihang gawin. “’Yung tinapos ko ‘yung education ko. I spent eight years in college. I finished Bachelor of Arts in Theater Arts sa University of the Philippines, Diliman. Yes, nag-overstay ako, ang sarap sa university eh,” nakangiting kwento ni Eugene.

Ang kakulangan sa pera umano ang dahilan kaya piniling sa state university makapagtapos ng kolehiyo ang premyadong aktres.  “I also spent one year in the Polytechnic University of the Philippines. Mahilig talaga ako sa state university. Ayoko talagang gumastos ‘pag nag-aaral lalo na no’ng college. Kasi wala naman talaga akong pambayad. Gusto ko lang talagang makatapos ng kolehiyo na may diploma,” paliwanag ng aktres.

Sa mga susunod na episode ay posibleng mapanood ang bonding ni Eugene at ng asawang Italyano na si Danilo Bottoni. Itatampok din ng aktres sa sariling YouTube channel ang mga kaibigang artista katulad nina Maricel Soriano, Judy Ann Santos, Vice Ganda, Angelica Panganiban at marami pang iba. (Reports from JCC)

JOLINA

MARVIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->