^

PSN Showbiz

TJ, certified sold-out

JUST ASKING - Leon Guerrero - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.
TJ, certified sold-out
TJ Monterde.
STAR/ File

Simula ngayon Feb. 1 ang phenomenal Sarili Nating Mundo ni TJ Monterde sa Araneta Coliseum. Susundan pa ito ng Feb. 2 and 3 sa pareho ring venue. Ang galing na parang BINI, certified sold-out shows ito talaga!

Hindi tulad ng ilang shows na nagsasabing sold-out, pero ilan kaya sa tickets ang ipinamimigay na complis?

Buti pa si Jon Santos, kinancel ang December Christmas show na hindi umusad ang ticket sales, pero bounce back sa mas maliit na venue sa District One, Gastrolounge sa BGC called Spot On Jon Santos Here Lies Laugh. Mas makatotohanan, ‘di ba? Hindi puro hype lang!

GMA debate, inisnab ng maraming kandidato

Tanging si Senator Bato dela Rosa lang daw ang kasama sa Top 12 survey na dumalo sa Senatorial Debate na in-organize ng GMA na ipapalabas this weekend.

Bakit ganoon? Hindi ba maobliga ng mga network, ng mga journalist at ng COMELEC ang mga kandidato sa mga televised debate?

Mas ninanais ba ng mga senatoriable na makipag-engage sa social media influencers at iwas sila sa mga probing questions ng mga journalists? Ganu’n na nga ba ang kalakaran ngayon?

Jericho, ayaw munang ilantad ang pagiging Quezon

Guessing game kung sino ang Hollywood actor daw na kasama sa pelikulang Quezon! Hindi pa rin daw puwedeng ibunyag kung sino ang bagong Quezon kahit na marami na ang humuhulang si Jericho Rosales ito.

Basta, exciting pa rin ito kung sakali kasi bihirang gumawa ng pelikula si Direk Jerrold Tarog, at aabangan natin ito pagkatuloy ng isa pa niyang historical passion project kung sakali!

Tulong ng mga artista sa mga kandidato, hindi na uso ang libre

Uso na ngayon ang paghiling ng tulong sa mga artista para sa kampanya. Iba pa rin talaga ang push kapag may influencers. Pero tama rin na hindi puwedeng gamitin ang friendship card palagi, ‘di ba?

Ang reklamo ng ibang artista, dahil sa pagtataya nila sa ilang kandidato, loss of income ito sa iba nilang raket. Habang ang iba’y limpak-limpak na salapi ang inaalok, ‘yung iba, ugaling makalibre lang.

Uulitin ko, uso pa ba ‘yung sa pangangampanya lalo na, libre lang talaga? Hindi naman na siguro.

Nakakataquote:

“Be yourself. Lasapin ang journey! I-earn ang journey!”

–Chie Filomeno on her Sexy Babe experience  (Tanong ni Ogie sa It’s Showtime: “Bakit ang hilig natin sa journey?”)

Hindi na ‘yan pinopularize ng Star Cinema – ang journey… nating lahat?

TJ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with