Sex video ng kilalang actor, pinagkakaperahan ng iba sa social media
Hindi ko rin mawari at nagtataka ako, bakit ang dami pa ring kumakalat na sex video ng kilalang celebrities.
Eto nga naikuwento sa amin ‘yung latest na sex video ng kilalang aktor na produkto ng isang talent search.
Nasangkot din ‘yan dati sa isang vidjakol, pero etong latest ay may nakakubabaw na sa kanya.
Ipinakita sa akin ng isa sa sources namin ‘yung video kung itong si aktor ba talaga ‘yung nasa video. Parang siya nga sa totoo lang.
Pero hindi na namin naitanong ito kay aktor at baka isipin pa niyang may kopya ako ng video. Ang style kasi ng ilang may kopya ng ganung video, ipo-post nila sa X o saang social media account kung itong si aktor nga ba itong sa video.
Siyempre, maku-curious ang karamihan, hihingin na ang buong kopya. ‘Yun na ang pagkakataong ibebenta nila ang video ng halagang P150 lamang.
Hindi lang itong si aktor ang may ganung video, kundi meron pang isang baguhang hunk actor na talagang naglaway-laway ang mga kabadingan nang kumalat ang video nito.
May ipinagmamalaki naman kasi itong si baguhang aktor na dati ring naisyuhang may sex video pero itong bagong kumakalat ay iba at mas matindi.
Hindi itinatanggi ni hunk actor ang una niyang sex video.
Meron pang isang aktor din na galing sa isang all-male group.
Pero hindi ko ‘yun nakita, kaya wala akong ideya kung gaano ito kahalay.
Basta tig-P150 per pasa ng video ang singil daw ng mga nagbebenta nito.
Local movies, ‘di pa rin napapansin sa takilya!
Nakakalungkot na hindi pa rin talaga tuluyang nakabalik ang ating movie industry.
May nagbukas na mga pelikula noong Miyerkules, mahigit apat na oras na Phantosmia ni Janine Gutierrez, at ang sa Viva na Sampung Utos Kay Josh.
Pero kagaya ng mga nakaraang pelikulang ipinalabas sa mga sinehan, mahina pa rin talaga.
Ang nakabalik lang talaga sa ngayon ay ang mga concert at ang theater industry.
Ang mamahal ng tickets, pero naso-sold out.
Kaya tamang-tama lang itong gagawin ng Praxis nina direk Paul at Gladys Basinilio na isang malakihang music festival, ang Fusion 10: The Philippine Music Festival na gaganapin sa CCP Open Grounds sa March 15.
“Musika Natin ‘To!” ang theme ng 10-hour Fusion 2025 musicfest na maghe-headline dito ang Ben & Ben, December Avenue, Zack Tabudlo at Maki.
Tampok din dito ang The Itchyworms, Alamat, KAIA, ALLMO$T, Barbie Almalbis, Jan Francis, at marami pa.
Mag-o-open ang gate ng 3 ng hapon, at mag-uumpisa ang pre-show ng 4 ng hapon. Magsisimula ang main show ng 7 ng gabi.
Bale pang-sampung taon na itong Fusion Musicfest na kung saan ay nakapag-stage na rin sila sa ilang probinsya kagaya ng Cebu, Iloilo at La Union.
Ipinaliwanag ni Ms. Gladys Basinilio na “From the time we started in 2015, I think wala namang nabago you know sa ina-advocate namin.
“It’s really OPM. Marami kasing music festival. There’s Waterbomb, ‘di ba? Lahat ng padating. And we welcome that.
“But the very fact that we named our event Fusion: The Philippine Music Festival, that’s really the dream.
“So starting 2023, nagtu-tour na rin kami sa probinsya. Na dati wala, Metro Manila lang. So we’ve been to La Union, Iloilo, Cebu.
“But we have to make sure na available din kami to the others na walang access sa mga partners. Kaya may ticket selling tayo.”
Tiniyak nilang maging maayos ang security, dahil nagagawa naman nila ito sa loob ng sampung taon.
Nakipag-coordinate na raw sila sa LGU ng Pasay, para matiyak lang ang security ng mga manonood.
“We follow the protocol ng security. One police is to every 100, OK, ganun.
“As in fencing lahat ‘yan because we carry brands, e. We’re very careful on the security. Mahigpit talaga kami,” pakli ni Ms. Gladys.
Madalas na maraming mga bawal ipasok sa concert venue, halimbawa’y payong, tablets, laser pointers, pets, laptops, two-way radio, at flammable liquids. Bawal syempre ang weapons at illegal substances.
Sa mga interesadong bumili ng tickets, nagkakahalaga ito ng P3k ang gold, P2k ang silver, at P1k ang bronze.
- Latest