^

PSN Showbiz

Maris, bigay na bigay na naman kay Anthony

Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Maris, bigay na bigay na naman kay Anthony
Maris Racal.
STAR/ File

Nag-trending si Maris Racal nang lumabas ang official trailer ng Netflix series nila ni Anthony Jennings na Sosyal Climbers. Happy at excited ang fans ng aktres na visible na uli ito after ng controversy nilang dalawa.

Mas pinag-uusapan na ang husay ni Maris at ang chemistry nila ni Anthony and the fact na dalawang shows nila ni Anthony ang mapapanood sa Netflix kapag nagsimula na ang screening ng Sosyal Climbers sa Feb. 26. Airing din sa Netflix ang Incognito na tampok din ang MaThon.

Isa pang rason kung bakit aabangan ang nasabing series ay dahil may kissing scene sila. May bed scene rin ang dalawa, pero hindi ‘yung bed scene na iniisip ninyo dahil magkatabi lang nakahiga sa bed, kaya lang, sapat na ‘yun para kiligin ang fans.

May mga nagtanong kung kailan nila ginawa ang serye at sa mga nabasa naming comment ng fans, last year pa pala nila na-shoot ang SC at parang kasabay ng Can’t Buy Me Love. Maaalalang sa CBML nagsimula ang love team nila, doon nakita kung gaano kalakas ang kanilang chemistry at dito na rin yata sila nagkainlaban.

Hindi lang maiwasan na may mga comment pa rinna hindi pa rin nakalimutan ang controversy nila. Nagtataka ang netizen kung bakit gusto pa ring makatrabaho ni Maris si Anthony.

May comment pa na bakit tino-tolerate ng fans ang mga taong gaya ng dalawa, kaya raw luma­lakas ang kanilang loob dahil sa supporters nilang mukhang nakalimutan na ang kanilang diumano’y panloloko.

Sen. Bong, break muna sa pagiging pulis

Bongga ang pagbubukas ng Season 3 ng Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis, pero mas bongga ang pagtatapos ng nasabing season dahil may motorcade this Saturday sa ilang parte ng Manila. Kasama ang cast sa pangunguna nina Sen. Bong Revilla at Beauty Gonzalez.

Sa Facebook Live ni Bong, nabanggit na malalaking action scenes ang mapapanood sa finale episode. ‘Yung tipo ng action scenes na sa pelikula lang mapapanood at dahil dito, pinuri ni Bong ang stuntmen na nakasama sa series. Special mention nito ang stuntman na nasa ibabaw ng kotse habang lumilipad ang sasakyan.

Mai-interview si Bong bago ang motorcade nila ngayong Sabado at malalaman kung magkakaroon pa ng Season 4 ang series o tatapusin na. Puwedeng ibalik ang series after elections at kaya seven episodes lang ang Season 3 dahil sa elections. Mami-miss kasi ng viewers sina Tolome (Bong) at Gloria (Beauty Gonzalez).

Kobe, binitbit na si Kyline sa mga kamag-anak

Na-meet at naipakilala na ni Kobe Paras ang girlfriend na si Kyline Alcantara sa relatives nila sa Los Angeles, California. May reels post si Jackie Forster na kasama nina Kobe at Kyline ang relatives nila at pinasalamatan ang pagho-host nila sa dalawa.

But of course, ang hinihintay ay ang pagkikita nina Kyline at Jackie, kailan daw kaya ito mangyayari? Nabuhayan lang ng loob ang fans nang mabasa ang convo nina Kobe at Jackie in an earlier post.

Sabi kasi ni Kobe, “Come to Manila next mama!!! pleaseee” na sinagot ni Jackie ng “working on it.” 

MARIS RACAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->