^

PSN Showbiz

Hunk actor, napariwara na rin ang career

Jun Nardo - Pilipino Star Ngayon

Nakakaawa rin ang isang hunk aktor na produkto ng talent search na tila napariwara na ang relasyon, sinundan naman ito ng kanyang career.

Very promising noon nang madiskubre ang hunk actor. Kaliwa’t kanan ang projects kahit hindi siya kagalingan sa pag-arte.

Eh nagmadali.  Nilayasan ang network na nakadiskubre sa kanya. Lumipat. Pero wala ring nangyari sa career niya!

Pero nasa showbiz pa rin ang aktor. May bago nang karelasyon.

‘Yun nga lang, hindi na siya makapag-demand ng role niya sa TV. Kung ano na lang ang ibigay, kahit halos sandali lang ang buhay sa series, tinatanggap niya lalo na’t may binubuhay rin siyang pamilya!

Ayon sa naging malapit sa aktor, kung hindi siya nagmadali sa career at ginalingan ang pag-arte, na-maintain sana niya ang leading man status niya, huh!

Yan, nagpaiksi ng buhok para sa CNY

New hairdo ang pasabog sa pagtatapos ng January ni Marian Rivera, huh!

Eh, mahaba man o maiksi ang buhok ni Yan, wala pa ring pagbabago ang ganda niya, ‘di ba? Lalo pa siyang gumaganda!

Anyway, isa na namang renewal ng kanyang endorsement ang naganap kay Marian nitong nakaraang mga araw.

Soon, paghahandaan ng GMA Primetime Queen ang next GMA series sa mga susunod na buwan dahil matagal na rin ang kanyang My Guardian Alien.

Of course, basta isang kondisyon ni Yan sa trabaho na kapag conflict ang schedule sa trabaho at sa school activities ng mga anak eh, priority ang activities ng anak bago ang work niya.

Eh habang wala pang work sa TV at movies si Yan, namnamin muna ninyo ang husay niya sa pelikulang Balota na streaming na ngayon sa Netflix, huh!

CNY

GMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->