^

PSN Showbiz

Karla, halos ikamatay ang breakup ng KathNiel

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Karla, halos ikamatay ang breakup ng KathNiel
Karla Estrada
STAR/File

Noon pa man ay hindi inilihim ni Karla Estrada sa publiko na magkakaiba ang ama ng apat na anak. Ayon kay Karla ay taon ang inabot ng bawat nakarelasyon niya noong kanyang kabataan. “Gusto ko naman talagang maging isa lang (ang karelasyon), pero bakit ko maipipilit ang isang sitwasyon na pakikisama na alam kong hindi na pwede, hindi na masaya. Lahat ng mga anak ko, relasyong taon ang pinagsamahan no’n. Hindi naman ito mga dumaan lang at hindi ko kilala ang mga ama. Ito ay relasyon sa mga ama nila na taon ang pinagsamahan, sa apat kong anak, sa apat na ama. Sila lahat ay bunga ng pag-ibig, at walang nakakahiya roon. Kasi lahat naman tayo nagkakamali at mas naging pansinin lang ‘yung sa akin dahil ako’y isang artista,” makahulugang pahayag sa amin ni Karla sa Fast Talk with Boy Abunda.

Mula nang ipanganak si Daniel Padilla noong 1995 ay talagang nabago na raw ang buhay ng aktres. Maraming natutunan si Karla upang itaguyod ang panganay na anak. “Kay Daniel pa lang natuto na akong mag-double time buhayin o suportahan ‘yung buong pamilya. From Leyte to Manila, lahat ng kamag-anak na lalapit, naging mas mabuti akong tao. But don’t get me wrong, matapang akong tao sa pagharap sa buhay. And pagdating sa mga anak ko, sobrang tapang ko diyan. Parang kung binuhay ko ‘yan ng ako lamang, ako lang ang pwedeng manakit sa mga anak ko. It’s always like that,” pagbabahagi niya.

Maraming pagsubok na ang nalampasan ni Karla sa personal niyang buhay. Para sa aktres ay ang paghihiwalay nina Daniel at Kathryn Bernardo ang pinakamalaking kontrobersiya na kanyang hinarap. “Itong mga masasakit na salita na ibinato nila kay Daniel nitong mga nakaraang taon. ‘Yung paghihiwalay kasi, sa kanila naman ni Kathryn ‘yon eh. Sila naman ang nakakaalam talaga, sila ang mag­reresolba kung ano man ‘yung dahilan ng hiwalayan. Pero ‘yung salita ng tao na halos ‘di mo na makain at sobrang kabastusan, medyo ‘yon ang hindi ko kinakaya. Hindi ko kinakaya na parang ikamamatay ko ah, hindi ko na halos kayanin na kailangan ko nang hanapin ‘yung mga taong gano’ng magsalita at isa-isahing sagutin. Ang pinakamaganda nating ginawa ay ipaubaya do’n sa dalawa,” pagtatapat ng aktres.

Limampung taong gulang na ngayon ang aktres. Ayon kay Karla ay talagang masaya na siya sa personal niyang buhay kahit walang bagong karelasyon. “Ngayon, yes, kasi meron na akong apo. At 28, si Carlito ay nag-asawa na so automatic maaga rin akong magiging lola. Matagal na akong naiiwang mag-isa sa bahay. Actually, si Claudio (apo ng aktres) ang nagpapabata sa akin. Hindi kasi ako matandang tao um-acting. Kasi parang ang tingin ko, bunsong anak eh. I’m a happy person. I’m a joyful person, lahat pinagtatawanan ko. That’s third generation from me,” nakangiting paglalahad ni Karla. (Reports from JCC)

KARLA ESTRADA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with