Pamilya ni Gloria, tinanggi ang kumalat na last will!
Nakarating sa pamilya ng pumanaw na beteranang aktres na si Gloria Romero ang tungkol sa kumakalat na last will and testament na agad nilang sinabing fake news iyon.
Kumalat ang sinasabing last will and testament nito kung saan nakalagay na 40% ay mapupunta sa pagpapagawa ng provincial school sa Pangasinan; 30% sa tatlong charity institution na hindi pinangalanan; at tig-15% ang anak niyang si Maritess at apo na si Christopher.
Sa libing ni Gloria ay sinabi ng pamilya nito na misleading, walang basehan at wala raw ebidensya ang tungkol doon.
Mukhang naalarma ang pamilya nila dahil maraming netizen ang napaniwala sa fake news lalo na ang mga maedad.
Nag-react nga ang ibang netizen na bakit naman daw ginamit pa para sa clout ang namatay. Kaya hirit ng iba ay idemanda ang website na nagpakalat noon para turuan ng leksyon.
Nanawagan naman ang pamilya ni Gloria na sana raw ay bigyan sila ng pagkakataong makapagluksa sa pagkamatay ng Queen of Philippine Cinema.
‘Kaloka. Kaya hindi na talaga dapat basta-basta maniwala sa mga nababasa online.
Legacy ni Ma’am Betty Go-Belmonte, habambuhay na mananatili
Thirty-one years ago na pala nung pumanaw ang isa sa pinaka-idol ko sa larangan ng pagsusulat, si Ma’am Betty Go-Belmonte.
Hanggang ngayon ipinagmamalaki ko na tuwing busy siya sa pag-edit ng STAR noon, minsan ay nag-aalaga ako kina Isaac, Kevin at Papa Miguel Belmonte. Wala pa noon si Mama Joy Belmonte.
Ipapasyal ko sila sa paligid ng Ermita kung saan nandu’n ang office ng STAR. Binibilhan ko sila ng turon at banana cue, at humihingi ako kay Douglas Quijano ng pambili ng softdrinks.
Imagine mo na inabot ko pa ngayon na publisher natin si Papa Miguel Belmonte. I am a proud Quezon City resident na ang mayor ay si Mama Joy Belmonte. At tulad sa trabaho noon na naging maganda ang formative training ko under Andrew Go, masarap din ang experience ko bilang residente ng Quezon City.
Good administrator ang mga Belmonte, at talagang mabait sila sa mga empleyado nila. If hindi sila naging good big boss siguro hindi ako naging showbiz writer na kahit naughty reliable naman.
Hahaha.
- Latest