^

PSN Showbiz

BINI naghahanda na para sa unang leg ng World Tour; may pa-shuttle sa Arena

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
BINI naghahanda na para sa unang leg ng World Tour; may pa-shuttle sa Arena
BINI
STAR/File

Dalawang linggo at bibida na ang nation’s girl group na BINI sa unang leg ng BINIverse World Tour 2025 na makasaysayang magaganap sa Philippine Arena sa Pebrero 15 (Sabado). Available ang shuttle service para sa BLOOMs na nais makisaya sa Bulacan para sa latest milestone ng grupo.

At para sa madaling pagbiyahe ng concertgoers, mayroong roundtrip shuttle service sa tridemtickets.com na may pick-up point sa Solaire ASEAN Open Parking, One Ayala Terminal Makati, UPark Megamall, Baliwag Bus Terminal Cubao, at SM City North Edsa.

Nagsimula nang magsanay ang BINI para sa biga­ting BINIverse World Tour: Philippines na inaasahang magtatampok ng mga bago at exciting performances, kabilang na ang kauna-unahang live performance nila ng Blink Twice.

Ang Blink Twice ang bagong handog na international single ng grupo na opisyal na ilulunsad sa Pebrero 13 (Huwebes) o dalawang araw bago maganap ang concert.

Sold-out na ang VIP at lower box A premium tic­kets para sa show pero may mabibili pang ilang lower box, upper box, at gen ad tickets sa pulptickets.com at ticketnet.com.ph.

Pagkatapos ng Philippine leg nito, lilipad ang BINIverse World Tour sa Singapore, Dubai, London, at United States.

Ang BINIverse World Tour: Philippines ay magaganap ngayong Pebrero 15, 5 p.m. sa Philippine Arena.

BINI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with