Nagbalik na si Nikki Valdez sa pagiging stage actress. Matatandaang naging bahagi noong 2010 si Nikki sa The Wedding Singer. Ngayon ay gagampanan naman ng aktres ang karakter ni Diana sa Next To Normal. “This is my comeback to theater after 15 years since The Wedding Singer. Next to Normal is totally different from that. When I was asked to audition, I really went for it because it would be nice to do something like this. Kasi hindi lang siya musical, it’s something that has a message to anyone out there, to any family going through the same thing. Magandang advocacy and awareness ng mental health of course. It’s a journey of healing and coping of the family,” pagbabahagi ni Nikki sa ABS-CBN News.
Mahigit tatlong dekada nang aktibo ang aktres sa show business. Mula noon pa man ay talagang ang pagkanta na ang hilig gawin ni Nikki. Umaasa ang actress-singer na susuportahan ng mga manonood ang kanilang stage musical. Mapapanood ang Next to Normal sa PowerMac Spotlight Theater sa Makati simula Feb. 1 hanggang 23. “Ang first love ko talaga is singing. I started with theater before auditioning to be part of Star Circle in ABS-CBN. I’m just so happy that theater is alive, local theater. If we can watch musical or stage plays from abroad, can we also have that ability to support local theater? These guys work so hard to give you a good show. We work so hard, day in day out, to give you a good entertainment. At saka iba ito kasi live. The emotions are raw, they’re organic. So, I really hope people support and watch theater more it’s a different journey,” paglalahad niya.
Malaki ang pasasalamat ni Nikki dahil patuloy siyang nakagagawa ng iba’t ibang proyekto. Bukod sa ABS-CBN ay nakalalabas na rin ang aktres sa GMA Network. “Hiniram ako ng GMA 7 and we just recently aired. Actually, ang ganda ng end ng taon ko and ang ganda rin ng start ng taon ko. I found out about being part of the cast of both my TV series and Next To Normal parang two days apart. Sabi ko siguro it’s about time that I do something like this na kahit siguro sabay-sabay, okay lang na napagkasya naman ng schedule. Because I really wanted to do Next to Normal,” nakangiting pahayag ng aktres.
Royce, inamin ang mga kalokohan
Taong 2017 nang sumabak si Royce Cabrera sa show business. Simula noon ay iba’t ibang karakter na ang nagampanan ng aktor sa telebisyon at pelikula. Ayon sa binata ay nahihirapan siya sa tuwing gumagawa ng true-to-life story ang tema. “As an actor, ang challenging sa akin na mga ginagawa ko, ‘yung mga true-to-life story. Kapag meron akong sinasagawang character sa totoong buhay. Kasi kailangan ko kunin ‘yung pinakagalaw, salita, or kung ano ‘yung mga nuances na ginagawa ng character na ‘yon kasi totoo ‘yon eh. Hindi siya makeup lang, gano’ng roles ‘yung medyo challenging na nao-offer sa akin,” paliwanag ni Royce.
Seryoso man sa lahat ng trabaho bilang aktor ay aminado naman si Royce na mayroon ding kalokohang ginagawa sa tunay na buhay. “Naku! Malokong tao rin ako. Alam ng mga tropa ko ‘yan. Alam ng family ko ‘yan. Sa harap ng kamera siyempre kailangan poise tayo, ganyan. Pero ‘pag off camera, pwede mo ako kainuman,” natatawang pagtatapat ng binata.
Ngayong nalalapit na ang Araw ng mga Puso ay ang trabaho pa rin umano ang pagtutuunan ng panahon ni Royce. “Sa Valentine’s Day, may schedule ng trabaho. Ise-celebrate ko ang Araw ng mga Puso sa pagmamahal ko sa trabaho ko. Pagdating naman sa Valentine’s, tungkol siya sa pag-ibig. So it doesn’t matter kung pag-ibig siya sa partner, sa family, sa friends, or sa trabaho mo. As long as sine-celebrate mo ‘yung buwan ng pagmamahal,” makahulugang pagtatapos ng aktor. — Reports from JCC