^

PSN Showbiz

Ruffa, lady boss ni Yilmaz!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Ruffa, lady boss ni Yilmaz!
Ruffa Gutierrez

May mga kinilig kina Ruffa Gutierrez at ex-husbandnitong si Yilmaz Bektas nang mabasa nila ang naging usapan ng mga ito sa comments section ng post ng aktres.

Sa post ni Ruffa suot ang polka dots na dress na may caption na “Let’s cherish genuine relationships because REAL is RARE, fake is everywhere,” nagkomento ang ex-hubby niya ng “Elegant.”

Sinagot naman niya ito ng “çok merci! Btw pls call Venice” na ang ibig sabihin ng Turkish word ay “thank you very much” at ang tinutukoy nito ay tawagan ang isang daughter nila.

Nag-reply pa ulit ang Turkish businessman at sinabing “okay boss I will” na may kasamang laughing emoji na kinatawa rin ni Ruffa.

Aliw nga ang naging sagutan ng dating mag-asawa at maraming netizens nga ang kinilig sa kanila.

May mga umaasa na sana raw ay magkabalikan pa sila.

Ang ibang marites nga ay napasugod sa profile ni Ruffa para lang basahin ang na­ging usapan nila na nag-viral sa social media.

Ang gaan nga lang daw ng relasyon ng dalawa na co-parenting sa kanilang mga anak na sina Lorin at Venice.

Maaalalang naging kontrobersiyal at hindi naging maganda ang hiwalayan nila noon.

Inamin ng anak ni Annabelle Rama na 15 taon niyang hindi nakita ang ex at noong taong 2022 nga ay nagkaroon sila ng komunikasyon kung saan pinayagan niya ang mga anak na makita ang tatay nila sa Turkey.

Pinupuri nga si Ruffa dahil sa kabila nga raw ng hindi magandang karanasan niya sa ex ay napatawad niya ito para sa anak nila.

Pero ayon sa ibang netizen ay huwag na raw sana itong maging marupok sa ex na mukhang malabo naman talagang mangyari.

Matatandaang kinumpirma niya ang relasyon niya sa actor-pulitiko.

Pero baka raw nabalitaan ni Yilmaz ang tungkol sa kinakaharap nitong kaso at baka raw magkaroon pa ng comeback ang dalawa.

‘Kaloka.

ACTRESS

RUFFA GUTIERREZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with