Angelica, binisita ng ina!
Aww, dinalaw pala si Angelica Panganiban ng yumao niyang ina sa panaginip na aniya ay matagal-tagal din niyang hinintay.
“Last night, habang aligned ang mga planets, nakabisita sakin si mama sa panaginip. 5 months ako naghintay. Gusto rin niya talaga grand entrance siya,” sabi ni Angelica sa kanyang Instagram Story.
Malapit na malapit ang aktres sa kanyang pumanaw na ina.
“Miss na miss na kita, ma,” sabi pa niya.
August 2024 nang pumanaw ang ina ni Angelica ni Annabelle “Ebela” Panganiban.
Kuwento sa miscarriage nina Mikee at Alex, nakalulungkot
Nakalulungkot naman na tatlong beses na palang nagkaroon ng miscarriage si Alex Gonzaga.
Hindi ko ma-imagine kung gaano ‘yun kasakit sa isang inang naghahangad na magkaroon ng anak.
Pero ganun talaga ang buhay. Baka hindi pa oras upang magka-baby sila ng mister niyang si Mikee Morada.
Maghintay sila ng tamang panahon at tiyak na darating din ang tamang oras na magkaka-baby sila.
Ipagpatuloy lang nila ang kanilang pagdarasal at tiyak ko, magkakaroon din sila ng anak sa tamang panahon.
Fighting!
- Latest