Alex at Mikee, tanggap na ang pangatlong miscarriage!
Nagulat ang mga kapatid ko sa panulat na sina Jerry Olea at Dondon Sermino nang in-interview nila si Mikee Morada sa aking birthday dinner noong Linggo at inamin niyang sa pangatlong pagkakataon ay nakunan na naman ang asawa niyang si Alex Gonzaga.
Bago pa sila dumalo sa Christmas party ng grupong SPEEd noong December 2, 2024, ibinalita na sa akin ni Alex na nagdadalangtao siya. Bale pang-3rd na niyang pagbubuntis ito.
Nakiusap siyang huwag munang ibalita, dahil hindi pa talaga sure na sure kung okay na ang dinadala niya sa kanyang sinapupunan.
Tulungan ko lang daw siyang magdasal na mabubuo na ito this time.
Pero malungkot na balita ang itinext sa akin ni Alex na wala na naman daw heartbeat ang dinadala niya nung huling check-up nila.
Bale pangatlong miscarriage na itong pinagdaanan niya. I can imagine kung gaano ito kasakit sa kanila ni Mikee.
Pero nakangiti naman si Mikee nang humarap ito sa ilang entertainment press at ibinahagi nga niya itong malungkot na balita.
Nung oras na iyun ay lumabas na pala sa You Tube channel na Toni Talks ni Toni Gonzaga ang interview sa kanya.
Okay naman daw ngayon si Alex pagkatapos nitong nangyari sa kanya. “Okay naman siya ngayon. Ahh malakas naman din yung faith nila, ano. Maganda yung upbringing ng parents kaya we’re able to manage yung hardship, yung struggle. At saka yung support ng pamilya, sobra-sobra,” pakli ni Mikee.
Tumatakbong Vice Mayor ng Lipa, Batangas si Mikee, at abala siya sa pag-iikot sa naturang lungsod. Kailangan niyang daluhan ang mga imbitasyon sa kanya, sa kabila ng pinagdaanan nilang mag-asawa. “Masaya. May hindi maiiwasan. Parang rollercoaster, lalo na nung Pasko kasabay ng mga Christmas parties.
“Inaalala ko rin si Alex. Pero ngayong nalagpasan na namin, at finally closed book na ‘yung aming pregnancy, makaka-focus na ulit sa mga trabaho. Marami ring na-sacrifice na mga trabaho si Alex. And lagi ko pong sinasabi, napakahirap — ako, lalaki, nakasuporta lang.
“Pero siya bilang babae, lahat ng mga injection na kinailangan niyang pagdaanan hanggang yung raspa, yung emotions, up and down, mas mabigat po yung sa babae,” saad ni Mikee.
Ayaw na lang nilang magpa-pressure pa sa ngayon. Lahat daw ito ay ipinaubaya na nila sa Panginoon.
“Siyempre may mga nagtatanong. ‘Kailan magkakaanak?’ Pero kami, sinurender na namin sa Panginoon kung ano yung ipagkaloob sa amin, tatanggapin namin,” saad ni Mikee.
Sabi ni Mikee sa interview sa kanya sa Toni Talks, itong mga pinagdaanan nila sa loob ng limang taon nilang pagsasama ay lalo pang nagpalalim sa kanilang pagsasama. “Yung experiences namin nito ang nagpalakas sa amin. Hindi lang yung lumalim yung relationship bilang mag-asawa. At the end of the day, lagi kong sinasabi, kahit na anong mangyari, biyayaan man tayo o hindi, tayong dalawa magkasama, okay lang. Okay lang.
“Kaya ang sabi ko sa kanya ngayon, dapat yung pray natin, i-surrender kung ano man, kung meron man, kung wala, okay lang. We will accept. Tatanggapin natin kung ano man ang ipagkaloob sa atin,” malumanay na pahayag pa ni Mikee Morada.
“On the positive note, sinabi ko sa kanya, 4 years na tayong kasal, tatlong beses ka na nabubuntis. “Yung iba ang tagal, never nakakita ng positive trend…alam natin na kaya. Ang kailangan lang natin, pag andiyan, aalagaan na natin,” sabi pa nito.
Nagpa-mature rin sa kanila bilang mag-asawa ang mga karanasang ito. “Masaya. Marami mang hindi maganda, hindi lang miscarriages, even with other things, lalong lumalim yung…pag nag-look back kami nung 2019, ‘yung parang dati yung liliit na bagay na ano, mga petty, pag-aawayan na. Ngayon, parang mas naka-focus na kami kung paano ma-appreciate, mapapasaya, masusuportahan yung isa’t-isa,” sabi pa ni Mikee Morada.
- Latest