^

PSN Showbiz

Alden, babalikan ang dating ginagawa

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Alden, babalikan ang dating ginagawa
Alden Richards.
STAR/ File

Hindi naging aktibo si Alden Richards sa social media nitong mga nakaraang linggo. Ayon sa aktor ay kinailangan niyang magpahinga pansamantala dahil sa pagpanaw ng kanyang lolo kama­kailan.

Samantala, nakatakdang magbalik ng aktor sa All-Out Sundays simula ngayong Feb. 9. Aminado si Alden na talagang hinaha­nap-hanap na rin niya ang pagiging host at pagtatanghal para sa mga tagahanga. Matatandaang naging abala ang Kapuso actor sa kabi-kabilang acting projects noong isang taon. “Babalik tayo as like the way we used to do before, host and prods din as well. Nakaka-miss din, excited ako. See you mga Kapuso,” pagbabahagi ng Kapuso actor.

Tumabo nang husto sa takilya ang pelikulang Hello, Love, Again na pinagtambalan nila ni Kathryn Bernardo. Noong Kapaskuhan naman ay nagtapos na rin ang seryeng Pulang Araw na pinagbidahan nina Alden, Sanya Lopez, David Licauco, Barbie Forteza at Dennis Trillo.

Will at Sofia, apat na taong ‘di nag-usap

Naayos na ang gusot sa pagitan nina Sofia Pablo at Will Ashley. Sa naging pahayag ng aktres kamakailan sa GMA Integrated News Interviews ay nabanggit nitong nagkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan nina Will at Jillian Ward. Ngayon ay magkatrabahong muli sina Sofia at Will sa seryeng Prinsesa ng City Jail. “Before we started taping, we talked. ‘Yon po ‘yung point ko na I think darating naman din ‘yun with Jillian when the time is right. Kapag may taong nag-start na, ‘Ba’t di kayo mag-usap?’ Kasi ‘yon po ‘yung nangyari with Will. Naging okay kami kasi we both wanted to be okay na,” pagtatapat ni Sofia.

Mahigit apat na taong hindi nagkausap sina Sofia at Will. Masayang-masaya ngayon ang aktor dahil nagkaaayos na sila ng dalaga. “Kumbaga isang tinik ang nabunot after how many years. Totoo naman po ‘yon kasi parang nagkaroon lang din ng misunderstanding. Kumbaga hindi kami nagkaroon ng chance makapag-usap nang gano’n katagal kasi nga pareho din kaming na-busy,” nakangiting pahayag ni Will.

Umaasa ang Kapuso actor na muling magkakasundo sina Jillian at Sofia sa takdang panahon. Nagkatrabaho noon sina Jillian, Sofia at Will sa seryeng Prima Donnas. (Reports from JCC)

ALDEN RICHARDS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with