^

PSN Showbiz

Baguhang aktor, sustentado ng karelasyong female politician!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Iba naman ang kuwento ng ilang nagsisimula pa lang mag-artista na pumapatol sa mas may koneksyon para maabot nila ang kanilang pangarap.

Ang daming naglulutangang kuwento ng mga sinasabing ‘boy toy’ sila ngayon ng maimpluwensya sa showbiz at okay lang ito sa kanila. Walang sexual harassment o rape na irereklamo.

Willing silang gamitin ang katawan para maabot ang pangarap. Hindi na ito bago at matagal nang kalakaran.

Pero hindi lang pala sa mga maimpluwensyang bading sila pumapatol kundi meron ding mga mayayaman at influential na babaeng may inaalagaan na ring boy toy.

Hindi ko kilala itong baguhang aktor, pero guwapo at may kumalat din daw itong sex video na pinaglawayan ng mga kabadingan.

Ang latest daw sa baguhang aktor na ito, dyowa raw ng mayaman na female politician sa isang probinsya.

Pero may asawa raw itong si female politician, na hindi lang sure ng aming source kung knows ng dyowa.

Ang ganda raw ng buhay ngayon nitong baguhang aktor dahil maintained ang pangangailangan with matching pa-kotse at pabahay.

Sabi nga ng iba, bakit hindi kaya i-remake ang pelikulang Alaga ni Christian Espiritu na pinagbidahan ni Edu Manzano?

Maraming guwapong baguhang aktor ang swak na swak sa role!

David, sinalo ni Korina sa pagkalugi!

Ilang episodes na lang matatapos na ang series nina David Chua sa Net 25 na GoodWill.

Napapanood ito tuwing Linggo ng 5 p.m., at sa pagkakaalala nila ay dalawang episodes na lang ang natitira.

Hindi nga maisip ni David Chua na umabot sila ng limang season at naituloy pa itong i-produce ni Ms. Korina Sanchez.

Si David ng nag-produce ng unang season, pero hindi na raw niya itinuloy sa pangalawang season dahil nagkalugi-lugi lang daw siya.

“Ang hirap e. Nagkautang ako sa bangko nung season 1, kaya ayaw ko na. Sinalo ng tita ko,” bulalas ni David.

“Nung season one kasi ang tapang ko. Kaya ko ‘yan. Sige ako ang gagawa.

Hindi ko pala kaya. Pandemic pa nu’n e. May exit and entry swab pa. Ang daming gastos. Tapos, bumabagyo. Paano kami mag-shoot e puro kami outdoor. Patay na tayo dito.

“Isang araw ko ubos na. Isang milyon na ‘to. Kailangan ko na mangutang. Sabi ko ayoko na. Kayo na lang! Hindi ko na hinawakan nung season 2. Hindi ko na nabawi,” dagdag niyang kuwento.

“Pero hawak ko ‘yung editing. Hawak ko ‘yung mga logistics, post-prod. Pero ako ‘yung magha-handle lahat… pati pambayad sa EP, dati dumadaan pa sa akin e. Lahat ‘yun sagot mo e, ‘di ba. Wala na sakit sa ulo ‘yun.

“Akala ko kaya ko, hindi ko pala kaya,” sabi pa ni David Chua.

Nagpapasalamat din siya sa suporta ng Net 25 dahil dito raw niya talaga naramdaman na belong siya sa naturang network.

Pagkatapos ng eleksyon ay babalik daw sila sa Net 25 at bagong show na ang gagawin nila, kasama pa rin ang buong cast ng GoodWill, lalo na sina Bayani Agbayani, Raymond Bagatsing at Smokey Manaloto.

“Ni-request kasi ng istasyon. Gusto nila parang May Bukas Pa. Pero bawal ‘yung miracle… inspirational. ‘Yung mga batang yagit, tapos triplets kami si Kuya Bayani, ako, saka si Smokey. ‘Yun ‘yung comedy dun. Ako parang middle… sini-save namin ‘yung mga bata. Gagawin namin sa Tondo.

“Magiging eye opener siya. Ano ba talaga ‘yung mga batang Tondo na nagkakaroon ng mga krimen. Pero nagagawa naman namin nang mabuti ‘yung buhay nila sa Tondo,” saad ni David Chua.

DAVID

KORINA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with