Keempee, inaming nagalit kay Joey
Aminado si Keempee de Leon na nakaramdam ng galit sa amang si Joey de Leon nang mawalan ng trabaho sa Eat Bulaga ilang taon na ang nakalilipas.
Napalayo ang loob ni Keempee sa kanyang mga mahal sa buhay dahil sa pangyayaring ito. “No’ng tinanggal ako sa Eat Bulaga and I was looking for answers. I even wrote a letter to Mr. T (Tuviera), anong mali? Anong nagawa ko? Wala naman akong nakaaway. ‘Di naman ako na-late, sa Broadway na nga ako naliligo minsan para hindi ma-late. Tapos biglang nawala, for 14 years ‘yon. I even asked my dad for help, ‘Itanong mo naman, Dy, anong anong nangyari?’ ‘Sige, itatanong natin ‘yan, anong rason?’ Lahat tinanong ko, I was left hanging. Wala man lang ako malapitan, ano ba ang sagot. And my family, they don’t care kung ano man ang pinoproblema ko. Parang self-pity tuloy ako. Do’n nag-start lahat, ‘yung anger ko, ‘yung pride ko. Kung ganito lang, kanya-kanya na tayo. Sineparate ko ‘yung sarili ko sa kanila, like 4, 5 years. I drink a lot everyday, lasing ako everyday, nagpakawalwal ako. Sinira ko ‘yung buhay ko. Walang pakialam ang pamilya ko, tinanggal ako sa trabaho, sige okay lang,” pagtatapat sa amin ni Keempee sa Fast Talk with Boy Abunda.
Emosyonal na inalala ng aktor kung paano sila nagkaayos muli ni Joey noong isang taon lamang. Matagal umanong ipinagdasal ni Keempee na maging maayos na ang gusot sa pagitan nila ng Eat Bulaga host. “Lumalabas sa akin almost everyday na ‘yung reconciliation. Even sa church, about reconciliation, restoration. Sabi ko, ‘Lord, ano ba ‘to? You’re telling me something about this reconciliation.’ Naiisip ko agad daddy ko. Doon nag-manifest sa akin, parang sabi ko, ‘Lord, just give me the courage and strength na harapin si daddy. Kung pagalitan ako, tatanggapin ko. Sigawan man ako sa harapan ng tao, okay, tatanggapin ko. I’m doing this for my dad and for You, not for myself. Gusto ko maging maayos na kami, mag-reconcile kami.’ It happened,” kwento niya.
“Pinuntahan ko siya sa Eat Bulaga Father’s Day (June). Si daddy, nakaupo na sa audience, he was holding the mic. Sabi ko, ‘Dy! Dy!’ Tapos gumano’n (kumaway) lang siya, ‘yung reaction niya, ‘Oh! Si Keempee ito.’ Total silence, wala siyang sinabi. Lumapit ako, niyakap ko na lang. ‘Happy Father’s Day, Dy! Sabi ko, ‘Binati lang kita, sinadya talaga kita. Hindi ko nabanggit ‘yung problema, kahit siya. Kumbaga, nangyari na lang bigla. Hinatid ko siya sa kotse. No’ng sumakay siya, bigla siyang bumaba ulit. Gumanyan (nakipagkamay) lang siya sa akin. Doon pa lang, parang naramdaman ko na okay na tayo. Kalimutan natin kung ano ‘yung nangyari. Doon ko lang naramdaman ang connection ulit. Salamat po Lord, Ikaw ‘to. Ikaw ang gumawa ng way. Your timing is perfect. Niyakap ko siya, sabi ko, ‘I love you, Dy. Thank you!’ ‘Oo, basta kita pa rin tayo,’ sabi niyang gano’n. Sabi ko, ‘bibistahin pa rin kita dito,’ sabi kong gano’n,” naluluhang paglalahad ni Keempee.
“September came, birthday ni Tita Eileen (Macapagal), ni Cheenee, ni Jocas ‘yung sister ko. In-invite nila ako to have a lunch with them. Hindi pa ako makababa (ng kotse) kasi ‘yung hiya ako na first time ko ulit aapak dito sa bahay nina Dad, kakaharapin ko ‘yung buong pamilya ko. Anong reaction, anong welcome magagawa? It’s about humility. Pagpasok ko casual din, ‘Oh, kamusta?’ Hanggang sa umiyak na ‘yung Tita Eileen ko, si Jocas, sabi ko, ‘Bakit ka umiiyak?’ ‘Ang tagal mo kasing nawala, kuya.’ Nag-sorry na ako sa lahat. Lahat kami nagkapatawaran. Nung ibo-blow nila ‘yung cake, tinawag ako ng daddy ko. Thankful ako sa tatay ko, very generous kahit wala kang hinihiling ibibigay niya kahit hindi mo kailangan. Since nagka-work ako, wala po akong hinihingi sa tatay ko. No’ng time na ‘yon meron siyang envelope inaabot, sabi ko ‘Dy hindi ko kailangan. Nahiya ako, hindi ito ipinunta ko dito. Gusto ko maging okay lang tayo.’ Hanggang sa niyakap ko na lang talaga. ‘Sorry po sa lahat ng nagawa ko,’” pagdedetalye ng aktor.
Naayos na rin ang gusot sa pagitan ni Keempee at inang si Daria Ramirez. “Si mommy naman, 2 years kami halos hindi nagkita, walang koneksyon. Nakita ko lang ‘yung interview niya with Ogie Diaz. Nilabas niya lahat ng sama ng loob niya. Ako naman nagulat, ‘saan nanggaling ‘to, bakit ganito?’ Tinawagan ko ‘yung sister ko, si Phoebe sa States. Sabi ko, ‘ano ‘tong interview ni mommy? I’m trying to call her, text her, hindi siya nagre-reply.’ To make it short, ang ginawang vessel ni Lord, ginawa niyang instrument ‘yung pamangkin ko, anak ni Cheenee, si Sophia. Sa Facebook lumalabas minsan ‘yung people you might know, Lydia, in-add niya. So nag-respond, mommy ko nga. She calls me tatay, sabi niya ‘Tatay, nakita ko si Lola.’ ‘Saan?’ Sa Facebook, tapos nag-meet up sila. My mom was crying to her and na-realize niya na mali ‘yung nagawa, sinabi niya sa interview. Kumbaga may mga nasagasaan din siya in a way. Hindi ko na siya inaway do’n, at least na-realize niya kung ano man ‘yung mali. So no’ng in-invite namin siya no’ng Christmas, hindi na namin napag-usapan. Siya na lang ang nagkwento. Sabi ko lang, ‘mommy kalimutan mo na ‘yon, move on na tayo. Look on the brighter side,’” nakangiting pahayag ni Keempee. — Reports from JCC
- Latest