^

PSN Showbiz

Pretty actress, ang lala ng mood swing kaya hiniwalayan ng actor

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Final na raw as in final na ang breakup ng magdyowang hunky actor at pretty actress, pagkatapos mapabalitang naghiwalay sila kamakailan lang.

Siguro on and off ang relasyon, pero ayon sa ilang sources namin, tuluyan na raw tinuldukan nilang dalawa ang kanilang relasyon. Hindi na rin daw sinuyo ni aktor si aktres na magkabalikan sila at baka naubos na rin ang pasensya.

Ayon sa iba pang nagkuwento sa amin, magkasama pa raw silang dumalo sa Christmas party ng grupo nila pero pagkatapos ng party ay nagkaroon daw ng matinding away, at nagtapos sa hiwalayan.

Hindi lang kinuwento sa amin kung ano ang dahilan ng hiwalayan, pero ilan na ang nagkuwento sa aming si pretty actress ang sinisisi. Mahirap daw timplahin ang mood ni aktres.

Sabi nga ng isang nagkuwento sa amin, may pagka-aning-aning daw talaga si aktres, kaya baka napuno na rin si aktor. Mabait kasi si aktor, at nakakaya naman niyang sakyan ang ugali ni aktres.

Ngayon ay nagpakalayo-layo muna si aktres. Baka nagpalamig muna siya para makapag-move on na rin.

Pero kung sakaling isa sa mga araw na ito ay mabalitaan nating sila pa rin, huwag na tayo magulat. Hanggang sa nag-break silang dalawa, hindi pa rin maintindihan ang kanilang relasyon na umaayon sa mood ni aktres.

Raymond, bibida sa isang pelikula sa England

Nag-announce na ang TBA Studios na sisimulan na nila ang biopic ng first president ng bansa na si Manuel L. Quezon. Bahagi ito ng kanilang Bayaniverse na didirek pa rin ni Jerrold Tarog.

Wala pa silang in-announce kung sino ang gaganap, pero unang napabalitang si Benjamin Alves, pero lumabas din ang pangalan ni Jericho Rosales.

Ayon sa kuwentong nakarating sa amin, si Benjamin daw ang gaganap na younger Quezon, pero pagdating sa kuwento ng pagpasok nito sa pulitika ay si Jericho na raw ang gaganap, hanggang sa pagtanda. Gagamitan pa nga raw ng prosthe­tics ang aktor.

Hiningan namin ng reaksyon at opinyon si Raymond Bagatsing nang makatsikahan namin sa intimate media conference ng sitcom nilang GoodWill ng Net25 na malapit nang mag-season break.

Si Raymond ang lead actor sa pelikulang Quezon’s Game na umani ng parangal sa ibang bansa.

Sabi ni Raymond, maliit lang daw ang pelikula nila pero ini-release ito ng ABS-CBN.

Doon lang sa mediacon nalaman ni Raymond na gagawin nga ito ng TBA Studios.

Aniya, “I guess kasi, our Quezon’s Game was considered to be an independent ano ‘yun e, independent production ‘yun, and then partner with ABS-CBN.

“Kasi ‘yung pelikulang sinasabi nyo ang gumawa ng Heneral Luna, malaki talaga. I’m curious to see kung ano talaga ang… what kind of product or film na mailalabas nila and it’s good to tell another view of Quezon especially with the bigger budget, you know.”

Matama siyang nag-isip nang sinabing si Jericho Rosales ang gaganap. “He’s a good actor,” pakli niya.

Masayang ibinalita ni Raymond sa amin na dahil sa ginawa niyang Quezon’s Game, napansin siya ng ibang international produ­cers. Meron siyang film project na sisimulan sometime on June.

“Because of that, may offer ako to do something in England. Sometimes sa June,”  bulalas ni Raymond.

Nakatrabaho niya itong producer sa Quezon’s Game at nakitaan siya ng galing si Raymond, kaya naisipang isali siya sa gagawin nilang pelikula.

“British siya na nag-compose ng theme song na kinanta ni Rachel Alejandro sa Quezon’s Game. Siya ‘yung tumawag sa akin, because na nakita na niya ako as Quezon,” dagdag niyang pahayag.

Maselan ang tema ng pelikula, na nang hingan daw ng opinyon si Raymond tungkol dito, nagustuhan daw ng producer ang kanyang ideya.

“Dapat kasi ang lead dun, may edad na cha­rismatic na lolo na… kasi ang tema is assisted dying. With the issue right now sa England, ‘yun kung ile-legalize nila o hindi. So, ‘yun ‘yung tema ng pelikula.

“So ako kinukuha lang ako sa apat na eksena, sa umpisa, gitna at dulo, pero importante daw ‘yung role. Taxi driver ako nung bida, na para bang mamamatay, ako ‘yung witness nila, ganun… na Filipino driver.

“E biglang nakausap ako, ‘how would you feel na bigay ko na lang sa ‘yo, kasi he wanted to hear my take on assisted dying. So, I told them my own personal knowledge about… minsan ‘pag terminally ill ka gusto mong mamatay, psychologically depressed ka, gusto mo na ring mamatay.

“Sabi niya, ‘I think you understand about this thing a! What do you say about taking the lead.

“Sabi ko, ‘that’s British e, matanda. We have… kailangan mong i-rewrite ‘yan ‘di ba?

“Kailangan mas bata at Filipino pa ngayon, Filipino na matagal na sa England, you know.

“So, mukhang ano naman siya… continuous naman ang kanyang pagiging ano… ire-revise niya,” saad ng magaling na aktor.

Kaya siya na ang magiging bida sa naturang film project pero may kukunin pa raw na Filipino actress na isasali sa pelikulang ‘yun.

“Actually, nagpapahanap siya sa akin ng anak ko supposedly. So, sabi niya ‘sino ba sa actresses diyan na puwede? Tatlong binigay kong name. Bale ‘yung isa, lumabas sa kanila na okay kasi may Bri­tish blood, si Bela Padilla. Tatawagan daw nila. Kasi nag-base siya dun e for a while. Nag-aral din siya ng Academy of Arts yata dun o Acting.

“So, ‘yun pag-uusapan nila. Nakuha ko ‘yung number ng handler niya, sila na ang bahalang mag-usap kung ano ‘yung nangyayari,” mahabang pagbabahagi pa ni Raymond Bagatsing.

 

ACTRESS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with