PBB, sa GMA na ang next edition?!
Nagkakagulo na ang Kapamilya at Kapuso fans sa balitang mapapanood sa GMA 7 ang bagong season ng Pinoy Big Brother. Ayaw ng Kapuso at Kapamilya fans na ilagay ng ABS-CBN sa GMA ang PBB, bagay na ayaw rin ng Kapuso fans dahil magkakagulo lang daw.
Sa Jan. 27, 2025 ang announcement kung totoo nga ang tsika na mapapanood na rin sa GMA ang PBB.
Kasamang inaabangan na kung sakaling totoo ang balita at kung magiging Celebrity Edition ng PBB ang gagawin, puwede raw bang makasali ang Kapuso stars?
‘Yan ang abangan natin.
Ashley, naisyuhan sa pagvi-vape
Ginagawang isyu ang age gap nina Ashley Ortega at Mavy Legaspi at sabi ng haters ng dalawa at ayaw sa kanilang relasyon, factor daw ang age gap para hindi sila magtagal.
Actually, two years lang ang tanda ni Ashley kay Mavy, she is 26 years old at 24 years old naman ang isa sa kambal na anak nina Zoren Legaspi and Carmina Villarroel. Kung sila ay titingnan hindi naman makikita sa mukha ng Kapuso aktres that she is two years older than her rumored BF. Saka, kung hindi isyu sa kanila ang kanilang mga edad, bakit masyadong concerned ang netizens na wala namang ambag sa kanilang buhay.
May ilan namang ang pagvi-vape ni Ashley ang nakitang isyu para sabihing hindi sila bagay na wala raw bisyo. May nag-comment sa Instagram ni Ashley ng “I hope you stop vaping Ashley. Magaling ka na actress but it kinda off lang na nagvi-vape ka. You’re too young.”
Dahil ito sa nag-viral na video na nakitang nagvi-vape raw ito at katabi pa naman si Mavy. Again, kung si Mavy nga hindi affected sa pagvi-vape niya, bakit ang fans ay affected? Kung nagvi-vape siya sa tabi ni Mavy, ibig sabihin, alam nito ang ginagawa ng aktres at hindi ito isyu sa kanya.
Dahil pala sa nabalitang Ashley at Mavy relationship, may mga nagre-request sa GMA na pagtambalin sa isang series o mas maganda, romcom series.
Mon, nakuha ang hitsura ng kontrobersyal na manager
February 5, 2025 ang naka-post sa Facebook ni director Darryl Yap na showing ng pelikula niyang The R*pists of Pepsi Paloma. Hindi nito dine-delete at hindi binabago ang playdate ng controversial niyang movie.
Inaabangan ng marami kung matutuloy ang showing nito sa nasabing petsa o kung may move na gagawin ang kampo ni Vic Sotto para pigilan ang showing nito.
In fairness, sa bagong trailer ng movie, ang husay ni Mon Confiado bilang si Dr. Rey dela Cruz. Kuhang-kuha nito ang kilos at pananalita ng controversial ding manager ng the late Pepsi Paloma. Pati ang ayos ng buhok, ginaya niya na for sure, pinanood ang mga TV guesting ni Dela Cruz.
Samantala, may reaction si direk Darryl sa interview ni Julius Babao kina Sarsi Emmanuel, Myra Manibog at Coca Nicolas. Pinagre-react siya ng netizens na kanyang sinagot.
“Sa mga humihingi po ng reaksyon ko sa bagong interview nila na parang insecure pa si Pepsi sa kanila kahit mas sikat at mas may proyekto- hindi po ako makapagbigay ng reaksyon sa hindi ko na pinanood.
“Ang video na lang na ito ang mas magsisilbing paliwanag at paumanhin ko kung bakit di ko maisasama ang mga pahayag nila sa pelikula. Salamat.”
- Latest