^

PSN Showbiz

Nanay ng actress, nadiskubre ang totoong amoy ng sikat na aktor na katambal ng anak!

Jun Nardo - Pilipino Star Ngayon

Kampante ang ina ng isang sikat na junior actress na wala itong relas­yon sa nakapareha niyang sikat na aktor.

Eh kahit marami ang tumutukso sa anak niya at sa aktor, ayaw pa ring kagatin ng ina ang pinakakalat sa socmed na may bagong karelasyon ang anak.

Kaya naman nung makausap si madir ng isang accla na production staff sa movies, sinabihan nito ang ina na may namumuong pag-iibigan ang anak at aktor.

Ipinagdiinan ng nanay na walang relasyon ang anak sa aktor dahil alam niyang pampakilig lang ang ginagawa ng aktor sa anak dahil alam din niya ang totoong katauhan ng sikat na aktor, huh!

Mane, malaki ang impluwensiya sa ex

Malaki ang pagbabago ni Keempee de Leon. Nakatulong ang pamilya at ang pagiging maka-Diyos upang talikuran ang nakagawian nung bata-bata pa siya.

Inamin ni Keempee kay Boy Abunda sa guesting niya sa Fast Talk ang panliligaw sa maraming artista at pagsabayin kung minsan ang mga babae.

Si Manilyn Reynes ang malaking impluwensiya upang pumasok siya sa showbiz. Naging isa sa karelasyon ni Keempee si Mane at marami pang iba.

Pero ang nagpabago sa kanya ay ang pagiging malapit sa Diyos na naging daan din upang magkaayos sila ng amang si Joey de Leon.   

ACTRESS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with