Parang may pinagdaraanan daw… Uy naloka si Carla Abellana sa malaking kita ng social media creators sa ibang bansa.
Aniya sa isang post sa kanyang Thread account : “Grabe pala kinikita ng content creators sa ibang countries like the US and Canada! OMG! Even from Instagram alone or YouTube. Crazy!,” paunang sabi niya.
Kaya naisip na raw niyang mag-migrate.
“Like luging lugi kami dito, guys. As in super lugi. Migrate na kaya ako?”
Iba’t iba ang opinion ng kanyang followers.
May favor at kontra sa kanyang inilabas na pahayag.
Ayon sa isang nagpakilalang doctor : “Mapapa Sana All na Lang. Doctor ako pero suma sideline pa ako asa Travel /Health Content Creator dto pinas. Barya Barya nga lang. Ung M.D ka na nga binabarat ka pa. Or sabhin na x deal na Lang doc As in hello Kya FYI Hindi po Lahat ng Doctor Yayamanin ha.. Yan akala nyu..Struggle Is Real sa amin mga Freshies Specialist makipagsapalaran dto pinas.. Mapapa buntong hininga ka na Lang. Well that’s the Reality of Life”
May nagsabi naman wala rin ‘yung malaking kita dahil mahal ang tax sa ibang bansa.
“True, pero kasi taxable naman po yun and malaki taxes and other kaltas depende saang state ka, like kunwari kumita ko ng $250 sa isang content ang akin dyan mga $170 lang minus mo na yung ginamit sa content if makeup vid or if food vid bumili ka ng ingredients etc. So kung susumahin mga $50 lang talaga kinita mo hahahaha.”
Sa totoo lang, may ilang mga magulang na ayaw nang pag-aralin ang mga anak ng kolehiyo. Mas bet nilang maging content creator na lang ang mga ito dahil dolyares ang kita.
So may chance kayang mag-migrate ang Kapuso actress?
May mga nag-comment naman na parang ang tindi ng pangangailangan ni Carla at wala na talaga siyang ipon.
Or baka naman daw mababa ang talent fee niya sa GMA 7 kaya ganun.
Well, pulos haka-haka lang naman ‘yun. I doubt kung seseryosohin ‘yun ni Carla.