Bong, binubuhay ang pwesto sa balota
Hindi na apektado si Sen. Bong Revilla sa mangilan-ngilang namba-bash sa kanya dahil sa ginawang apelyido ang ‘Bong Revilla’ sa balota. Kaya nakapuwesto ito sa no. 11.
Tinitira ng iba ang COMELEC dahil pinayagan daw itong unahin ang Bong Revilla sa buong pangalan ni Sen. Bong Revilla.
Ayaw na lang patulan ito ng actor/politician dahil matagal na niyang ginagamit ang pangalang ‘Bong Revilla.’
Ang kampo ng senador ang nag-react at ipinaliwanag sa amin na taong 1998 pa ay na-grant na ng korte ang pag-change ng name niya into Bong Revilla, mula sa Jose Mari Bautista. Kung itong tunay na pangalan niya ang gagamitin sa eleksyon, mas mapauna pa nga ‘yun dahil sa ‘Bautista.’ Pero mas kilala na siyang Bong Revilla, dahil matagal na niyang ginagamit ang Ramon ‘Bong’ Revilla Jr.
Nagmamarakulyo ngayon ang ilang bashers na para bang ngayon lang ito ginawa.
Taong 2010 pa ay gamit niya ang Bong Revilla sa balota, at hanggang nung taong 2019.
Ipinagkibit-balikat na lamang ito ni Sen. Bong dahil ramdam na ramdam naman niya ang mainit na pagtanggap ng mga tao sa kanya kahit saan siya magpunta.
Magkakasunod nga ang mga event sa weekend, na kung saan ang daming pumunta sa Ati-Atihan sa Kalibo, lalo na sa Sinulog sa Cebu, at sa darating na weekend ay sa Dinagyang naman sa Iloilo.
E alam ko, meron nga kaming nabalitaan na dalawang pulitikong na-boo raw nang magsalita na sila.
Hindi nga kami makapaniwalang ma-boo pa sila, kahit may kasama pa silang sikat na artista.
Regine, pinadalhan ng bulaklak ni Stell
Nilinaw ni Regine Velasquez na wala siyang sama ng loob kay Stell sa ‘di pagkatuloy ng guesting nito sa kanyang Reset concert sa Feb. 21.
Apat na gabi ang concert, na naka-schedule pa sa Feb. 14, 15, at 22.
Kung may problema sa Feb. 21, hindi rin ba siya puwede sa ibang dates?
Pero ang sabi ni Regine sa interview sa kanya sa YouTube channel ni Ogie Diaz, nagkaroon lang daw talaga ng miscommunication na hindi lang nila na-control. Kaya hindi na natuloy ang sikat na miyembro ng SB19.
Ipinaliwanag na rin ng Asia’s Songbird ‘yung ipinost niyang na-disappoint siya sa ‘di pagkatuloy ni Stell pero hindi kay Stell. Pinadalhan nga raw siya ng bulaklak, na nag-sorry na hindi ito matuloy sa kanya.
“E kasi disappointed talaga ako dahil I was very excited to to sing with Stell. E we’re going to do, sabihin ko na kaya…. Sometime, Somewhere.
“Kasi kinanta ‘yun ni Stell sa concert ni Mr. C (Ryan Cayabyab). So, my sister and I thought it would be nice for us to sing. It would have been nice, but… so medyo na-disappoint talaga ako kasi… dun sa situation.
“Kasi kumbaga, naano ko na na ‘yun na ‘yung gagawin ko e. I’m excited to rehearse with him. But again, these things happen, ‘yung mga unfortunate things na minsan nangyayari talaga, and hindi naman nila fault, tsinek naman namin sa side ko kung ano ‘yung schedule, but miscommunication lang talaga. Hindi lang nagtugma,” sambit ni Regine Velasquez.
Meron na raw silang ipinalit, pero ayaw na raw nilang i-announce. Kasi, ngayon lang nga raw sila nag-announce ng special guest sa concert niya, nagkabulilyaso pa.
Hindi naman talaga nawala ang ganitong problema, kagaya ng naapektuhan ang kalusugan.
Sa nakaraang media conference din ng Always and Forever concert nina Martin Nievera and Pops Fernandez, hiningan din namin sila ng reaksyon sa nangyari sa nakaraang concert ni Gary Valenciano na hindi niya natapos ang unang gabi nito, dahil sa nagkaroon siya ng severe dehydration.
Hindi raw talaga maiwasan ‘yan sabi ni Pops.
Nangyari rin ito kay Regine na nawalan siya ng boses. Pero sabi ni Pops, mas nauna pa siya riyan na kung saan hindi natuloy ang concert niya gawa ng malakas na ulan, at nung inulit, ang dami nang hinimatay sa sobrang dami ng tao.
“She invented that! That’s her first concert, 1985,” bulalas ni Martin.
“Dahil hindi pa masyado tayo sanay mag-concert outdoor. Walang cover ‘yung bubong, umulan, everything was wet na.
“‘Yung first kasi umulan. So, we did it again. Ang daming tao. Ang nangyari early morning, we were there. Tapos siksikan, ang daming tao.
“Actually ‘yung 2nd show was a free show, para ma-accommodate namin ‘yung sa 1st show,” dagdag na kuwento ni Pops.
Ani Martin, “You know it’s hard to really predict something like that. I’m sure for Gary and Regine, and also to all who went through that, it’s really a hard call.”
Kahit anong paghahanda, hindi talaga maiwasan, ang katawan mo na ang bibigay kapag dapuan ka ng sakit.
“Tao lang naman kami, ‘di ba? Hindi naman kami robot. So, sometimes we are a 100 percent on their… yeah, sometimes ‘pag sinipon ka lang or inubo, ang hirap-hirap na kumanta, ‘di ba? So, yeah! That’s for our show, you really really have to make sure that, ako kasi, I sleep well, I don’t go out, I have a certain diet. Kasi may acid din ako. So you have to make sure… that even you have to be very careful, sometimes it just happens,” ani Pops.
“No one is more careful than Gary V, ‘di ba?
“You can never really predict those things. I really felt bad for what happened to him that I thought… that’s the lesson for all of us. What would you do in the situation like that, ‘di ba? Knowing me, even if my arm is falling off I’m still singing. I mean, I don’t think about those things. When I go on stage, it’s sad to say, the show must go on. You should not have to suffer the show regardless. But it’s your call already,” saad ni Martin Nievera.
Sa Feb. 7 ang pre-Valentine concert nina Martin at Pops na first time nilang gagawin sa SM MOA Arena.
- Latest