Humihingi ng prayers si Rico Blanco para sa kanyang kapatid who was diagnosed with cancer. Pinost nito ang photos nila mula noong mga bata pa sila hanggang ngayon.
“This beautiful boy you see with me is my younger brother, King. Only a year apart, we did everything together growing up, like bestfriends, or even twins. We shared so many adventures and fought so many battles alongside each other. I love him so very dearly.
“A few weeks ago we received the terrible news that he has cancer. The signs all came too rapidly and seemingly out of nowhere, and by the time we got full diagnosis, we were told he already has an advanced and very aggressive type of squamous cell carcinoma (sinus).
“His treatment started yesterday, and we are praying all our efforts are not too late. We’ve also decided to share so we can humbly ask for your help- please pray for King’s strength and healing. Only heaven really knows whats best for my dear brother but we are keeping our hopes up. I cannot bear to imagine a world without him in it.
“This is our toughest battle. Please, please help us win,” panawagan ni Rico,
Agad namang nag-offer ng dasal ang mga kaibigan at followers niya sa Instagram. Ang iba ay nag-offer ng lakas sa kanya at sa pamilya nito.
Jak, nadaanan si Barbie sa Cebu
Nabastusan ang ilang netizens na nagtanong kay Jak Roberto kung nasaan si Barbie Forteza habang nakasakay sa tumatakbong float sa Sinulog festival sa Cebu City. Nakatayo si Jak nang biglang may sumigaw ng “Jak, nasa’n si Barbie?”
Nasundan ang sigaw nang paghahanap kay Barbie ng iba pang netizens at may mga nagtawanan pa.
In fairness kay Jak, kitang hindi ito napikon at ngumiti lang, pero napansin na malungkot ang mga mata nito. Kasama niya sa float sina Gab Valenciano at Dominic Roque at humarap si Dominic kay Jak at parang tinawag niya ito.
May eksena pang habang nasa float si Jak dumaan sila ilalim ng billboard ni Barbie at tamang nakunan ng larawan na nasa ulunan ni Jak ang billboard ng ex. Katuwa rin ang caption na “Barbie Forteza and Jak Roberto in Sinulog.”
Michael V, mas maraming patawa
Launching ng new campaign ng GMA Network na More Tawa, More Saya, bukas, Jan. 26, 2024, sa Robinsons Galleria.
Si Michael V ang nagsulat at nag-areglo ng song at magpi-premiere ang song sa Bubble Gang sa Sunday rin. Tampok sa music video sina Michael V, Boobay, Buboy Villar, Matt Lozano at Manilyn Reynes.
Bibigyan din ng tribute ng campaign ang ilan sa beloved comedy and game shows ng network. Kabilang dito ang The Boobay & Tekla Show, Pepito Manaloto, YouLol, at Bubble Gang. Ang BG ay magse-celebrate ng 30th anniversary sa October. Ito na ang longest-running comedy show on TV sa bansa.