Heart, sumumpang labi lang ang pinagalaw

Heart Evangelista

Inamin ng Global Fashion Icon na si Heart Eva­ngelista na labi lamang ang nag-iisang bahagi ng mukha niya na pinaretoke niya.

Sa isang video, pinag-uusapan nila ng kanyang glam team ang photo niya bilang cover ng Candy Magazine noong taong 2000 at ikinumpara nila ang hitsura niya noon at ngayon.

Doon inamin ng misis ni Sen. Chiz Escudero na lips lang daw niya ang naiba at ipinagawa niya.

Nagsasabi raw siya ng totoo at kung hindi raw iyon kayang tanggapin ng mga tao ay hintayin daw ang judgment day dahil lahat daw sa mukha niya ay “real” except sa lips niya.

Madalas daw kasing mapagkamalang marami siyang ipinagawa sa mukha pero pinagdiinan niyang ang mata, ilong at iba pang bahagi ng mukha niya ay gawa ng Diyos.

Isang araw nga raw ay pupunta siya sa doctor at magpapa-Xray. Hindi na raw niya alam kung paano patutunayan ng mga ito pero hindi raw talaga niya pinaretoke ang mga ito.

Sinabi pa nga niya na mamatay man daw ay labi lang daw talaga ang naiba sa kanya.

Ang lip filler nga raw kasi ay permanente at hindi gaya ng ibang treatment na pansamantala lang naman.

Kaya naman bilib ang fans niya na inamin ni Heart at hindi gaya ng ibang mga celebrity na kahit halata na raw ay todo tanggi pa rin.

Samantala, nasa France siya sa kasalukuyan para sa Paris Fashion Week.

Kaya nakaabang ang mga netizen sa mga rampa at outfit niya. Bongga.

Show comments