Mayayamang bading, kinabahan sa blind item ng bawian ng regalo sa hunk actor; celeb couple, nagsolian din!
Nabahala ang ilang mayamang bading sa showbiz nang kumalat ang kuwento tungkol sa binabawing regalo sa boylets nila.
Akala ng ibang bading na sila ang tinutukoy sa kumalat na blind item sa ilang websites na binabawi raw ang mga ibinigay na regalo sa nakarelasyong guwapong lalaki.
Nagkuwento kasi ang isang hunk actor na iilan pa lang ang nagawang pelikula na hindi na raw niya ma-take ang pinapagawa sa kanya ng karelasyong bading.
Ang hindi pa niya maatim ay kinukuwento pa siya sa mga kaibigan nitong bading na ito. May iba ngang friends na nakita na ang video at pictures na hubad na hubad. May maipagmamalaki naman kasi itong si hunk actor, kaya talagang tinatakam nitong mayamang bading sa mga kaibigan.
Nang pinag-usapan na ito, nag-worry ang ilang kabadingan dahil baka sila raw ang tinutukoy.
Hindi naman kasi bago ang kuwento ng bawian ng regalo dahil nangyayari rin ito sa iba.
Sa totoo lang, kahit hindi sa bading ay meron din sa babaeng karelasyon.
Ang latest na nasagap nga namin, naayos na rin ng isang guwapong aktor ang mga gamit na ibinigay sa kanya ng minsang nakarelasyon niyang aktres.
Mabuti at nandiyan pa rin, kaya isinoli na nito.
Mabuti nga at hindi nag-dialogue si aktor na “basta isoli mo rin ang t***d ko!”
Ang hirap talaga ma-involve sa ganung relasyon dahil kapag nagkasingilan, ang hirap ding magkabayaran.
At least ‘yung isa pang male starlet hindi naman binawi ang house and lot na naibigay sa kanya nng nakarelasyong mayamang bading.
Napansin ngayon ng mga kakilalang bading na binebenta na niya ito, pero tila sila pa rin daw ng nakarelasyong bading. Hindi lang alam kung bakit na niya ito binebenta.
Boots, sinagot ang tungkol sa kanila ni late President Marcos!
Puspusan na ang paghahanda ni Boots Anson Roa-Rodrigo sa kanyang nalalapit na 80th birthday sa Jan. 30.
Sa Jan. 30 ay magkakaroon sila ng grand family reunion na kung saan ang mga anak niya na naka-base sa Amerika ay mag-uuwian dito. “Malaking okasyon ‘yung maging ochenta, ‘di ba?” pakli ni Tita Boots.
“Hindi lang iisa ‘yung selebrasyon ng pagka-ochenta. Threefold ito. Una, ‘yung birthday. My children are all coming home from Virginia (USA). Mga kapatid ko, mga pinsan ko. So grand reunion. Kasi ako ‘yung pinakamatanda sa pamilya ngayon, e. Kaya they’re all coming. And then, ‘yun nga, that’s Jan. 30.
“Sa Enero 31 iyong Groovin’ Boots concert sa Music Museum sa Greenhills, tampok sina Leah Navarro, Ding Mercado, Ray An Fuentes, at Pat Castillo. Panauhin sina Mitch Valdes at Nanette Inventor. At sa Marso, book launch ng biography niyang Grateful,” dagdag niyang pahayag nang magpa-presscon sila sa Club Filipino noong nakaraang Martes.
Kasama roon sa presscon ang magpe-perform sa kanilang Groovin’ Boots concert sina Mitch Valdez, Nanette Inventor, Pat Castillo, Ding Mercado, Ray An Fuentes at Leah Navarro.
Wala pa rin talagang kupas ang galing nila nang impromptu ay nagbigay sila ng isang masiglang song number.
Iba pa rin talaga ang galing ng mga kagaya nilang singers noong ‘70s, ‘80s at ‘90s.
Ikinuwento pa ni Tita Boots kung paano nabuo ang concert na kung saan ay umuwi pa rito si Ray An Fuentes galing Toronto, Canada.
Kasunod nito ay ang librong Grateful na sinimulan pa raw niya sampung taon nang nakaraan. Na-commit na raw niya ito sa namayapang ama ni Gary Valenciano na si Mr. Vic Valenciano.
Pero sa naturang presscon, natawa si Tita Boots nang tinanong namin sa kanya ang matagal nang intriga sa kanya.
Totoo bang niligawan siya noon ng namayapang Pangulong Ferdinand Marcos Sr.? “Alam mo, hindi totoo ‘yun talaga!
“Tsismis talaga ‘yon. In fact, in one of the events — kasama si Mrs. Marcos (Imelda), no — kami, kasama ang ilang artista, ‘Sir! Sir! Picture-taking! Picture-taking!’
“Sinabi niya sa amin, ‘Naku, huwag na kayong mag-picture-taking sa akin. Matsitsismis na naman kayo!’” bulalas ng iginagalang at isa sa haligi ng movie industry na si Boots Anson Roa-Rodrigo.
- Latest