Sobra palang na-in love si Belle Mariano sa beach.
Oo nga at hindi raw siya beach girl, pero nang tumapak na siya sa La Union, parang ayaw na niyang umalis doon.
Sa La Union kinunan ang mga eksena nila ni Donny Pangilinan sa How To Spot a Red Flag na napapanood na sa streaming platform na Viu at ipalalabas sa free TV umpisa sa Jan. 27.
“Nag-surfing kami. Sobrang saya, Actually hindi lang ‘yung bond namin (ni Donny) ang nabuo ‘yung buong cast naging close talaga kami sa isa’t isa. Nakakatuwa nga kasi talaga na I was able to try new things talaga, out of my comfort zone. Siya kasi beach boy talaga (referring to Donny),” kuwento ni Belle sa ginanap na media conference ng How to Spot a Red Flag.
Dagdag pa niya : “I fell in love with La Union as soon as I got there. Nun nga sabi ko ang layo ng biyahe pero ‘pag nakatapak ka na, parang ayaw mo nang umuwi. It’s so beautiful and fell in love with the place, we work out, inaagahan namin ang gising namin para mag-work out.”
Nag-muay pa raw sila, dagdag naman ni Donny.
At ulit ni Belle : “I fell in love with the place, the community, everything.”
Samantala, hindi sila nauubusan ng kilig sa isa’t isa kahit na nga matagal-tagal na rin ang kanilang loveteam at nakailang serye na rin.
“Parang he always find a way na…, totoo naman, honest lang ako, na he always finds way para mapakilig ako,” kumpisal ni Belle.
“Like… kasi po palagi, since mahaba ang hair ko, it takes more time for me to dry it up, or mag-ayos, he always comes to my dressing room, just to say hi. And that makes me kilig.
“And then, minsan randomly, bigla siyang mag-o-order ng food, tatanungin niya ako,” may kilig na kuwento pa ni Belle.
Chika naman ni Donny : “Weird ‘yung sasabihin ko kasi, the last time na kinilig ako kay Belle, it wasn’t in our scene, or anything. It was, when I saw you sa Incognito kasi nakita ko kung gaano ka kagaling,” aniya habang nakaharap kay Belle.
“Ibang klaseng kilig ito. And we watched it here (sa ABS-CBN compound), before anyone else. Gusto kong makita kung ano ‘yung…kasi wala siyang sinabi sa akin.
“Sobrang galing ni Belle. Siguro ‘yon, when I see that she does something very different, kinikilig ako. Nakikita ko kasi kung gaano kalaki ang binigay niya,” pagpapatuloy pa ni Donny kung paano siya huling kinilig sa ka-loveteam.
May special participation nga si Belle sa Incognito at in all fairness kahit short, ganda ng ginampanang character ng young actress.
At para kay Belle, green flag ang young actor dahil hindi lang gwapo at matalino, generous pa. “Grabe siyang manlibre. Hahahaha! Sobrang generous niya. Totoo! Totoo! I mean, minsan nagugulat ako, sinasabi ko na tama na, tama na! Grabe lagi akong busog!” kuwento ni Belle na green flag meaning ideal o perfect boyfie material o boylet.
“Pero seriously, he always makes sure that everyone’s good in the set. He always asks kung kumusta ka, how are you doing? ‘Yun ang napapansin ko talaga sa kanya,” dagdag na kuwento pa ng young actress sa mediacon.
Spotted din naman ni Donny ang green flag ni Belle. “ Siguro the most random na lang. Kasi, we always say, we love our family, maka-Diyos, ganun… iba naman, ang magandang green flag ni Belle, mabango! Yes, mabango si Belinda! Iba-iba ang scent niya, depende sa occasion! Pero gusto niya ‘yung mga fresh na fruity!”
Na kahit ang mga andun ay kinilig talaga. Ibang green flag nga naman ‘pag mabango.
Umiikot ang istorya ng How to Spot a Red Flag kay Cha (Belle), isang cute at palaban na babaeng naging biktima ng catfishing. Sa kabila ng panloloko sa kanya ng good boy na si Matt (Donny) at bad boy na si JR (Jameson Blake), posible pa kaya siyang ma-in love nang maipit silang tatlo sa isang love triangle?
Mapapanood ito kada 9:30 p.m. sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5 simula Enero 27.