Balota, mapapanood na sa buong mundo, VLF nawalan din daw ng budget!

Ma­rian Rivera

Naka-schedule na sa Jan. 31 ang airing highly acclaimed movie ni Ma­rian Rivera na Balota, sa Netflix.

Written and directed by Kip Oebanda, dito tumanggap si Marian ng kabi-kabilang papuri at kanyang kauna-unahang Cinemalaya Best Actress Award.

Pinaghalong suspense, thriller, at komedya, ang Balota ay isang pangungutya na nagbibigay liwanag sa dedikasyon ng mga guro sa pangangalaga sa mga boto ng publiko sa panahon ng eleksyon.

Isinalaysay dito ang kuwento ng isang land-grabbing tycoon at isang former sexy actor na nakakulong na magkalaban sa pagka-alkalde ng isang maliit na bayan sa Pilipinas.

One of the featured full-length films during the 20th edition of Cine­malaya, Balota was a box-office hit. Its popularity led to a successful five-week commercial theatrical run due to public demand.

Bukod sa kritikal na pagbubunyi nito, pinuri ito dahil sa makapangyarihang paglalahad nito sa mga guro at sa kritikal na papel na ginagampanan nila sa pagtataguyod ng democratic integrity of elections.

Pero totoo kayang wala na talagang Cinemalaya at huling taon na ‘yung sinalihan ng Balota?

Wala na rin diumanong Virgin Lab Festival this year dahil nga malaki ang budget na natapyas sa Cultural Center of the Philippines.

Ahh meaning ‘historic’ na ang panalo ni Marian.

Show comments