Jennylyn, gustong mag-entablado

Jennylyn Mercado

Muling pumirma ng kontrata si Jennylyn Mercado sa GMA Network. Mahigit dalawang dekada nang Kapuso ang aktres ngayon. Matatandaang unang sumikat si Jennylyn nang tanghaling Ultimate Survivor ng StarStruck noong 2003 kasama ni Mark Herras. “I am here, I am home, Kapuso pa rin tayo. Taos-puso po akong nagpapasalamat sa lahat ng tumulong sa akin, of course, sa GMA, sa patuloy na pagmamahal at sa patuloy na pag-support at pagtanggap pa rin po sa akin. To be here means so much. At wala po akong ibang nararamdaman kundi gratitude. Salamat po sa inyo,” naka­ngiting pahayag ni Jennylyn.

Sa nakalipas na dalawampung taon ay iba’t ibang proyekto na ang nagawa ng aktres. At gusto naman daw masubukan ni Jennylyn na makapagbida sa isang stage musical. “Isa ‘yan sa mga hindi ko nagagawa. Challenge sa akin na mag-memorize ng mga lines and scripts. Pero siguro kung musical, mas madali. Dahil mas madali ‘yung music, ‘di ba? Mas madali siyang i-memorize kapag songs na siya. Siguro, open ako sa gano’ng project. Basta masubukan ko ‘yung stage. Wala pa akong experience sa stage,” pagbabahagi ng Kapuso actress.

Seth, susubukang magpaka-bad boy

Halos hindi pa rin makapaniwala si Seth Fedelin sa nasungkit na Breakthrough Performance award para sa pelikulang My Future You kamakailan. Si Francine Diaz ang nakatambal ng aktor sa naturang Metro Manila Film Festival 2024 entry. “Hindi ko nga alam kung tama ba ‘yung sinabi (speech) ko sa stage. As in sobrang impromptu ng speech kong ‘yon. Pero at the end of the day, pag-uwi ko sa bahay bago ako matulog, sobrang gaan sa pakiramdam, sobrang worth it,” paliwanag ni Seth.

Malaki ang pasasalamat ng aktor sa lahat ng patuloy na sumusuporta sa kanyang karera. Kung mabibigyan ng pagkakataon ay nangangarap si Seth na makapagbida sa isang proyektong aksyon ang tema. “Gusto ko ng drama pero gusto ko din masubukan ang bad boy. Gusto ko masubukan ang action pero paunti-unti, gusto ko pag-aralan ang action, bida na action. Kadalasan kasi nagagawa ko mabait, anak, ganyan. Gusto ko maranasan ‘yung challenge na paano ako maginoo pero ano kaya itsura ko ‘pag dinagdagan ng angas ‘yung isang character,” paglalahad ng binata.

Malapit nang mapanood ang seryeng Nobody na pinagbibidahan ni Gerald Anderson. Kabilang din sa naturang proyekto sina Seth at Francine. Kahit marami nang pinagtambalang proyekto ay wala umanong problema sa aktor kung magkanya-kanya na rin ang tambalang FranSeth sa takdang panahon. “Unang-una, nag-focus ako sa music, so yes, alam ko susuportahan niya ako, susuportahan ako ni Francine, at alam kong susuportahan ko din siya. Tagumpay ko, alam ko matutuwa siya,” makahulugang pagtatapos ng aktor. (Reports from JCC)

Show comments