Andrea, hindi nasaktan sa motel card na binigay ng faney na lalaki

Andrea Brillantes

Nagulat si Andrea Brillantes nang abutan siya ng motel card ng isang fan habang nasa isang parada.

Kumalat ang video na kinuha niya ang inabot ng lalakeng fan na isang card pero nang tingnan niya ay na-shock siya na motel card pala iyon. Hinagis naman niya iyon pabalik na natatawa at pabirong sinigawan ang fan.

Kinaaliwan nga ang reaksyon niyang gulat na gulat at ang cute nga raw ng naging response niya at mabuti raw na hindi siya napikon.

Magaling nga raw itong mag-handle ng mga sitwasyon na dinaan na lang sa biro. Kung naging seryoso raw ito ay mas lalo raw magmumukhang binastos siya kahit pa hindi naman talaga magandang biro ang ginawa ng fan.

At baka raw na-offend at magalit iyon, at nasampal pa ang lalake kung sa iba ‘yun ginawa.

Maaaring nabastusan din daw ito pero hindi na lamang niya pinahalata.

Hindi nga nagustuhan ng ibang mga netizen ang ginawa ng fan sa aktres. Nawawala na raw ang respeto ng fans sa mga artista lalo na sa mga ganitong parada.

Kung anu-ano nga raw ang pinagawa roon na mabuti game lang din gaya ni Andrea.

Sana man lang daw inisip muna ng fan ang mararamdaman ni Andrea dahil nakakainsulto raw iyon.

Hindi nga raw masisisi na kung minsan ay umiiwas na ang mga celebrity sa fans dahil sa mga ganoong klaseng kalokohan.

Kaya huwag abusuhin ang kabaitan ng mga artista dahil nagtratrabaho lang sila. ‘Kaloka.

Show comments