^

PSN Showbiz

David, Bayani at Raymond, kanya-kanyang katwiran sa pulitika

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
David, Bayani at Raymond, kanya-kanyang katwiran sa pulitika
Bayani, Raymond at David
STAR/File

Malapit nang magsimula ang kampanya, kaya unti-unti nang nawawala ang mga artistang napapanood sa telebisyon.

Tamang-tama naman matatapos na ang sitcom na GoodWill sa Net 25 na tinatampukan nina David Chua, Bayani Agbayani, Devon Seron, Smokey Manaloto, at Raymond Bagatsing.

Napapanood ito tuwing alas-kuwatro ng hapon sa Net 25.

Tatlong episodes na lang ay matatapos na ang ikalimang season nito, pero magkakaroon lang daw ng break, babalik din sila. Pero siyempre, pagkatapos na ng eleksyon ‘yun.

Kakandidato ang ilan sa main cast nito na sina David Chua na tumatakbong konsehal ng district 2 ng Tondo. Si Bayani Agbayani naman ay second nominee ng Tupad Party-list, at si Raymond Bagatsing ay tumatakbong Mayor ng Maynila sa ilalim ng Partido ng Federal ng Pilipinas.

Si Bayani ay pursigido na talaga sa kanyang pagtakbo dahil gusto raw niyang ituloy ang pagpapahatid ng tulong na ginagawa na niya noon pa sa kanyang Facebook account.

“Siyempre, ‘pag ako makaupo mas marami akong matutulu­ngan,” pakli ng komedyante.

Nawalan na nga siya ng raket dahil sa party-list siya nakatutok. “Okay lang. Tutal, tapos na ‘yung mga anak ko, isa na lang ang pinag-aaral ko,” pakli ni Bayani.

Dagdag pa niyang pahayag, “Sabi ko nga, sa mga nagtatanong sa akin, ‘bakit ka pa tumakbo?’

“Sabi ko, kasi lagi akong nagsasalita sa ibabaw ng entablado ‘iboto n’yo siya, tutulungan niya kayo. At the end of the day, hindi ko naman alam kung anong nangyari.”

Si Raymond naman ay hindi naman daw handang tumakbo, pero siya raw talaga ang nahilingan ng kanilang partido na kumandidato, dahil ang buong akala raw niya ang chairman ng kanilang partido na si  Atty. Alex Lopez ang siyang tatakbo, pero hindi raw ito tumuloy. Aniya, “I said I’m not ready, hindi ko naman inambisyon. But, sabi nila kailangan nila ng representative at maganda naman ‘yung numbers ko the last time, 2022, which my numbers were higher than my Mayor.

“Siyempre sa amin, medyo mabigat ‘yung laban kung pondo ang pag-uusapan. Pero kung prinsipyo at good intentions ang pag-uusapan, may laban kami.

“In all actuality sa COMELEC ang talagang hinahayaan lang na pondo is couple of hundred thousands lang. So, ‘yun lang ‘yung meron kami. Kumbaga, ‘yung koserbatibong takbo, but hopefully the people will know the options, the good intentions that is here. And kung ano man ‘yung… siyempre tatanggapin kung ano ‘yung binigay sa inyo, but hopefully, kayo ‘yung magbabago ng Maynila, because you know… wala kaming ginagamit para riyan. Kung papano lang kami bababa at mag-expose ‘yung sarili namin, at kung ano lang ‘yung kaya naming ibigay sa inyo, which is no corruption.

“No corruption, the money goes straight to you, because wala kaming gagastusing ganyan.

“Basta kami, I represent the party, I represent good intentions, prinsipyo, sinsero, totoo.”

Si David Chua naman matagal na ring active sa pagtulong sa Tondo, sa kanilang distrito. Pero kaya gusto niyang tumakbo roon para mai-promote naman daw ang tourism sa Tondo.

Aniya, “Gusto ko lang po talaga ayusin ‘yung Tourism. Kasi, ‘pag sinabing Tondo, takot mga taong pumunta e.

“‘Pag sinabing Tondo, dapat… kaya para sa akin, kaya gusto kong maging konsehal, gagawa ako ng batas dun na lahat ng tou­rists papasukin mo sila dun, magkaroon kami ng… ‘yung Cubao nga merong Cubao Expo e. Ba’t walang Tondo Expo? E ang daming masasarap na pagkain dun.”

Darryl Yap, kumambyo sa pelikula

Ipinost kamakalawa ni direk Darryl Yap ang trailer ng pelikula niyang The Rapists of Pepsi Paloma na may caption na, “The Trailer Of The Truth” na para raw sa 40th death anniversary ni Pepsi Paloma.

Isang minuto at sampung segundo lang ang haba ng trailer, kaya ewan ko kung full trailer na ito kung saan ang madalas na nasa eksena ay sina Mon Confiado bilang si Dr. Rey dela Cruz at si Rhed Bustamante bilang si Pepsi. May isang eksena lang si Gina Alajar bilang si Charito Solis, at meron din si Shamaine Centenera at may interview sa tunay na ina at kapatid na nasirang sexy star.

Walang Tito, Vic and Joey na ipinakita sa trailer, kaya safe na ang dating.

Wala pang isang araw ay mahigit kalahating milyon na ang views nito, at ang dami nang nag-share.

Pero sa social media pa lamang ito, at wala pang ipinapalabas na trailer sa mga sinehan kahit ang nakalagay doon ay sa Feb. 5 na ang showing nito.

Dapat ay nakapag-submit na sila ng material ng trailer at kung tapos na, pati na rin ang full length movie sa MTRCB.

Pero nang i-check namin sa ilang taga-MTRCB kahapon, wala pa raw talaga silang isinabmit na kahit ano.

Walang nakakaalam kung ano ang plano ni direk Darryl dahil marami ang nag-aabang kung anong rating ang ibibigay ng mga magre-review ng naturang pelikula.

Kung ano man ang kahihinatnan nito, sa Feb. 5, tuloy pa rin ang reklamong isinampa ni Vic Sotto laban sa kontrobersyal na direktor.

Iba naman ‘yung sa teaser na kumalat, at hindi pa natin alam kung ano ang nakapaloob sa kabuuan ng pelikula.

Samantala, kapansin-pansin pa ring iritang-irita talaga ang magulang ni Pauleen Luna kay direk Darryl Yap.

Ipinost ni Mommy Chat sa kanyang Instagram account ang ilang nakakarating sa kanya na impormasyon tungkol sa naturang direktor.

Sinabihan na rin sila ni Pauleen na huwag nang magsalita o magpo-post ng kung anu-ano, pero dala pa rin ng galit ay nagpo-post ng iskandalong kinasangkutan noon ni direk Darryl Yap.

BAYANI AGBAYANI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with