John Lloyd at Patrick, nakipag-date kay Paolo kasama ang mga jowa

Paolo, Patrick, Nikka, Isabel at John Lloyd
STAR/File

Nagkita ulit ang magagaling na aktor na sina John Lloyd Cruz, Patrick Garcia at Paolo Contis. Pangatlong beses na ito, kaya nagtatanong at nae-excite na ang mga tao, may project bang niluluto ang mga ito? Pelikula kaya? Ano’ng klase?

Interesting din na pinansin ng mga netizen na kasama ni Lloydie ang girlfriend na si Isabel Santos at ka-date naman ni Patrick ang asawang si Nikka. Nag-iisa lang si Paolo. Bakit?

Kailangan pa bang i-memorize ‘yun?

Pelikulang tagalog, walang takot sa sinehan

Kailangang maging matapang kapag maglalabas ng pelikula sa sinehan ngayon.

Look, nag-commercial run ang Her Locket! Ang tapang ni Ma’am Rebecca Chuaunsu!

Dapat Feb. 5 ang The Rapists Of Pepsi Paloma, pero tapos na ba? Ipapalabas na ba? Nag-MTRCB na ba, eh may kaso pa. Paano na?

Tapos Ex Ex Lovers naman nina Marvin Agustin at Jolina Magdangal sa Feb. 12. Na susundan ng Mananambal ni Nora Aunor at Bianca Umali sa Feb 19. Then sa katapusan ng love month, Feb. 26, magkasabay ang Everything About My Wife nina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado at ang The Caretakers nina Iza Calzado at Dimpes Romana. Anu-ano kaya rito ang susuportahan ng manood ng pelikula?

Sana all.

Sana sipagan ng lahat na mag-promote ng kanilang pelikula!

Mga award-giving body, kanya-kanyang publicity!

May Gawad Dangal ng Pilipino Awards at heto naman ang Primetime Media Awards na naglabas na rin ng kanilang nominees.

Kanya-kanyang paggamit sa publicity na rin lang yan. Kanya-kanyang seremonya rin. Ang mahalaga sa mga ganito ay ang kredibilidad ng kasapian.

At ang soundness ng kanilang mga review na dapat hindi bayad at hindi pang-faney o popularity contest lang.

Sana hindi lang buhay ang mga ito kapag awards session at sana patuloy ang diskurso tungkol sa mga pelikulang Filipino. Hindi tulad ng iba na table/dinner sponsorship ang inaabala pati na solocitations sa souvenir program, ‘di ba?

Ibang talent, hindi nababayaran ng isang kumpanya

Medyo tagilid ang lagay ng isang kumpanya na napapabalitang hindi nila nababayarang talents. Bakit kaya?

Dahil ba hindi masyadong kumita ang huli nilang pelikula?

Pero kung makapag-project ang mga ito, lalo na raw ang kanilang posh office, akala mo ang daming datung? Anyayare sa kanila?

Nakakataquote:

“Excited ako kasi after a long time, medyo natagalan din ako mag-teleserye, so I’m excited to be working with GMA.”

–Vina Morales sa pagbabalik niya sa GMA, pero nananatili siyang under Star Magic like John Arcilla and Nikki Valdez

Show comments