^

PSN Showbiz

Barbie at Julie Anne, pinag-aagawan ang ginawa ni Iza!

Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Barbie at Julie Anne, pinag-aagawan ang ginawa ni Iza!
Julie Anne San Jose
STAR/File

MANILA, Philippines — Si Julie Anne San Jose ang bet ng kanyang fans na magbida sa Moments of Love: On Borrowed Time na remake ng nabanggit na pelikula. Kaya lang, si Barbie Forteza ang choice ng GMA Pictures at director Mark Reyes (director din ng original movie) na magbida, bagay na hindi nagustuhan ng fans ni Julie.

Inakusahan ng ilang fans ni Julie na may favoritism ang GMA Pictures. Para sa fans ni Julie, mas bagay ang singer-actress sa role ni Iza dahil pareho silang morena, samantalang si Barbie raw ay maputi. Mas bagay raw si Barbie sa role na ginampanan ni Karylle.

Kaya, kahit wala pang formal announcement ang GMA na si Barbie nga ang lead actress sa MOF, may online bardagulan na ang fans ng dalawang kampo. Naba-bash si Barbie na sinasagot ng fans nito at nagsasagutan na sila.

Dahil si Barbie ang lead actress, tila sigurado na ang BarDa fans nila ni David Licauco na ang aktor ang makakapareha niya at gaganap sa role na ginampanan ni Dingdong Dantes. May mga fan-made posters na nga ng BarDa na ang gagan­da, kaya good luck sa GMA Pictures kapag hindi si David ang ipareha nila kay Barbie.

Ricky, todo pasasalamat sa karelasyon

Ang sweet ni Ricky Davao sa girlfriend niyang si Mayeth Malca na ang terms of endearment niya ay Bubba. Tinawag din niyang his “Silver Lining” ang GF at sabi nito sa isang interview, first meeting pa lang nila, na-feel na nila ang kanilang deep connection.

Very open din si Ricky sa pagsasabi kung gaano niya kamahal ang GF at sa isang post sa Instagram, sabi nito, “I really appreciate all the things you’ve been doing to support me. From day 1 you stayed by me caring, nurturing and always inspiring me to do the right things. Thank you so much #Malca. I LOVE YOU.”

Nakakatuwa na bawat post niya ng photos nila ng GF, nagko-comment agad ang mga kaibigan niya at ang iba ay mga kaibigan nila ng ex niyang si Jackie Lou Blanco. Masaya sila para kay Ricky at siguradong kapag si Jackie Lou naman ang nakahanap ng bagong pag-ibig, tatanggapin din ng friends nila.

Tanggap din ng mga anak nina Ricky at Jackie Lou ang bagong karelasyon ni Ricky dahil may nakita kaming photo nina Ricky at GF niya na kasama si Ara Davao, ang eldest daughter nina Ricky at Jackie.

AiAi, may paabang sa mistress ng mister

May nag-dare kay AiAi delas Alas na i-post niya ang screenshots ng mistress ng ex niyang si Gerald Sibayan. I-face reveal daw niya ang girlash at sa sagot ni AiAi na “Abang-abang lang tayo.”

Hindi man siya ang mag-post ng screenshots ng girl, may mga Pinoy na madalas sa Gerry’s Grill kung saan nagpupunta sina Gerald at ang dyowa nito. Nabanggit pa ni AiAi na sa sulok ng resto pumupuwesto sina Gerald at dyowa nito kaya hindi nakikita ng maraming tao.

Isa pang inaabangan ay kung magpapadala ba siya sa mga payo ng netizens na bawiin niya ang lahat ng kanyang ibinigay. Payo rin ng netizens, ipa-revoke ng komedyana ang green card ng ex dahil kaya lang nakapunta ito sa Amerika dahil sa kanya.

JULIE ANNE SAN JOSE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with