Apaw ang confidence kahapon ni Seth Fedelin sa Spotlight presscon ng Star Magic.
Tumanggap siya ng Breakthrough Performance Award sa 50th edition ng Metro Manila Film Festival (MMFF) para sa pelikula nila ni Francine Diaz under Regal Entertainment na My Future You na isa 10 official entries noong nakaraang filmfest. “Ang hirap kalimutan ng buong experience ko sa MMFF. Talagang nakakagulat,” paunang pahayag ng Kapamilya young actor kahapon.
Dagdag niya : “Unang-una ‘yung line-up. Lahat ng mga kasaling pelikula ang gaganda, ang gagaling ng mga senior actor... aktor, aktres, na sa maiksing panahon nakilala mo at naging kaibigan sila, na ang misyon namin ay itulak at ipakilala sa tao at buhayin ang pelikulang Pilipino,” sabi pa niya.
Tulad sa theme ng pelikula “from zero and beyond”— nag-uwi ang My Future You ng apat na parangal sa MMFF Gabi ng Parangal : 3rd Best Picture, Best Director (ka-tie ni Direk Crisanto Aquino si Direk Michael Tuviera ng The Kingdom), Best Editing (Vanessa Ubas de Leon), at Breakthrough Performance (Seth Fedelin).
Bukod sa mga parangal na iyon, nominado rin sina Francine at Seth top acting awards. Si Seth ay Best Actor nominee kasama ang mga vetecan actor na sina Dennis Trillo (Green Bones), Vice Ganda (And the Breadwinner Is...), Vic Sotto (The Kingdom), Piolo Pascual (The Kingdom), at Arjo Atayde (Topakk).
Nominado rin ang My Future You para sa Fernando Poe Jr. Memorial Award for Excellence, Best Screenplay (Crisanto Aquino), Best Visual Effects (Santelmo Studio Inc.), Best Musical Score (Decky Jazer Margaja), at Best Float.
At iba raw talaga ang epekto nito sa kanya. “Sobrang saya ko, grabe, hindi ko malilimutan ito. Hindi ko ini-expect na magkakaganito.
‘Yung award na ‘yun, hindi ako makapaniwala. Hindi ko talaga ini-expect. Kaya naman delayed reaction lang na parang napansin ako... ‘yung talento ko, ‘yung ginawa ko. Pag-uwi ko parang doon ko naramdam, dun ko lang hinawakan ang trophy ko. Pag-uwi ko gising pa sila mama. Nung i-post ko hawak ko ‘yung trophy, hawak naming lahat, sobrang saya ko,” paliwanag pa ni Seth kahapon.