Juday ang daming kilig sa patikim kay Gordon Ramsay
juday ang daming kilig sa patikim kay gordon ramsay Isa si Paolo Contis sa nagkaroon ng chance na naka-selfie sa celebrity chef / multi-Michelin starred chef Gordon Ramsay na dumating sa bansa para sa Manila branch ng Gordon Ramsay Bar & Grill sa Newport World Resorts (NWR). At wala na talaga sa eksena si Yen Santos. Brother niyang chef ang andun sa post na may caption ang actor na “Nag baka sakali.. Nag hintay.. Nag papicture!
“Thank you kuya!
“Thank you Chef @gordongram.”
Kasalukuyang ‘nganga’ si Paolo ayon sa manager niyang si Manay Lolit Solis. Wala raw kasi itong trabaho sa GMA.
Actually, tinanong na raw ito ni Manay Lolit na baka naman may nakasamaan ito ng loob na executive ng GMA o baka may inutangan na hindi niya binayaran, pero wala raw talaga sabi sa kanya ni Paolo.
Awss, ba’t nga kaya?
Anyway, ang dami ring kilig si Judy Ann Santos kay Chef Gordon matapos lumahok sa isang demo kasama ang iba pang chef. Naghanda sila ng halo-halo at bawat isa sa mga chef ay nagdala ng kani-kanilang secret ingredient.
Bukod doon naibigay pa ng daughter niyang si Luna ang drawing book sa sikat na chef kaya trending din si Juday kahapon.
Winner naman ang Lumpia Queen na si Abi Marquez na nagustuhan ang pinatikim niyang Beef Wellington Lumpia.
Pero ba’t kaya wala si Erwan Heussaff? Sikat na chef ang mister ni Anne Curtis pero hindi siya naramdaman kahapon sa event ng multi-Michelin starred chef sa Manila?
Yup, naging abala nga ang social media kahapon sa sikat na chef na nag-chat pagkatapos ng welcome event sa kanya sa NWR ng “An incredible welcome in Manila ! So excited to be here for @gordonramsaybarandgrillph.”