^

PSN Showbiz

Yen at Paolo ‘di na talaga nagkaayos; Aktor nganga raw sa trabaho...

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Yen at Paolo ‘di na talaga nagkaayos; Aktor nganga raw sa trabaho...
Yen Santos.
STAR/ File

Juday ang daming kilig sa patikim kay Gordon Ramsay

juday ang daming kilig sa patikim kay gordon ramsay Isa si Paolo Contis sa nagkaroon ng chance na naka-selfie sa celebrity chef / multi-Michelin starred chef Gordon Ramsay na dumating sa bansa para sa Manila branch ng  Gordon Ramsay Bar & Grill sa Newport World Resorts (NWR). At wala na talaga sa eksena si Yen Santos. Brother niyang chef ang andun sa post na may caption ang actor na  “Nag baka sakali.. Nag hintay.. Nag papicture!

“Thank you kuya!

“Thank you Chef @gordongram.”

Kasalukuyang ‘nganga’ si Paolo ayon sa manager niyang si Manay Lolit Solis. Wala raw kasi itong trabaho sa GMA.

Actually, tinanong na raw ito ni  Manay Lolit na baka naman may nakasamaan ito ng loob na executive ng GMA o baka may inutangan na hindi niya binayaran, pero wala raw talaga sabi sa kanya ni Paolo.

Awss, ba’t nga kaya?

Anyway, ang dami ring kilig si Judy Ann Santos kay Chef Gordon matapos lumahok sa isang demo kasama ang iba pang chef. Nag­handa sila ng halo-halo at bawat isa sa mga chef ay nagdala ng kani-kanilang secret ingredient.

Bukod doon naibigay pa ng daughter niyang si Luna ang drawing book sa sikat na chef kaya trending din si Juday kahapon.

Winner naman ang Lumpia Queen na si Abi Marquez na nagustuhan ang pinatikim niyang Beef Wellington Lumpia.

Pero ba’t kaya wala si Erwan Heussaff? Sikat na chef ang mister ni Anne Curtis pero hindi siya naramdaman kahapon sa event ng multi-Michelin starred chef sa Manila?

Yup, naging abala nga ang social media kahapon sa sikat na chef na nag-chat pagkatapos ng welcome event sa kanya sa NWR ng “An incredible welcome in Manila ! So excited to be here for @gordonramsaybarandgrillph.”

JUDAY

YEN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with