^

PSN Showbiz

Ruru sineryoso ang martial arts, ayaw papigil sa pagbangon

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Ruru sineryoso ang martial arts, ayaw papigil sa pagbangon
Ruru Madrid.
STAR/ File

Kagabi ay nagsimula na ang teleseryeng Lolong: Bayani ng Bayan na pinagbibidahan ni Ruru Madrid. Mas matitindi umano ang mga eksena ngayon sa naturang GMA Prime series dahil sa tampok nitong Pinoy martial arts.

Puspusan ang ginawang paghahanda ni Ruru upang maisagawa nang maayos ang bawat maaaksyong eksena. “After ng  Black Rider, nag-train na po ako ng Pinoy martial arts. May mga pagkakataong dumarayo pa ako ng San Pedro, Laguna para aralin. Kailangan mong makuha ‘yung flow eh. Kailangan walang kanto, kailangan para kang nagsasayaw lang. Sa akin, mahalin muna natin ‘yung sariling atin. Itong Filipino martial arts sa atin ito eh. Gusto ko pong maipagmalaki ito,” nakangiting pahayag ni Ruru sa GMA Integrated News Interviews.

Matatandaang tatlong taon na ang nakalilipas nang mapanood ang unang season ng Lolong.

Sariwa pa umano sa alaala ng Kapuso Action Prince ang mga pinaghirapang mga eksena noon. “Kahit na ilang beses akong ibaba, kahit na ilang beses akong matalo, masugatan, madapa, lagi akong babangon, at walang sino man ang makakapigil do’n,” makahulugang pahayag ng binata.

Ayon kay Ruru ay mayroon ding magandang mensahe para sa mga manonood ang bagong action-adventure series ng GMA. “Naniniwala ako na basta mabuti ‘yung hangarin mo, nagpupursige ka palagi sa lahat ng pagkakataon. Binubuhos mo lahat nang makakaya mo, sa lahat ng pagkakataon na binibigay sa iyo, naniniwala ka sa plano ng Panginoong Diyos, at pinipili mong maging mabuting tao sa lahat ng pagkakataon, makakamit mo ang ruruk ng tagumpay,” paglalahad ng Kapuso actor.

Allen, game na game na maging sila na ni Sofia

Noon pa man ay talagang malaki na ang paghanga ni Allen Ansay sa katambal na si Sofia Pablo. Nagtapat na rin ang aktor ng kanyang tunay na nararamdaman para sa dalaga. “Alam po ni Sophie na gusto ko siya. Alam din po ni mommy at ni tito na gusto ko po si Sophie, sinabi ko po ‘yon,” pagtatapat ni Allen.

Maglalabing siyam na taong gulang na si Sofia ngayong Abril. Mula nang mag-debut noong isang taon ay pinayagan na umano ang aktres ng mga magulang na makipag-date kay Allen. “Basta sinabi ni mommy po, na darating daw po ‘yung tamang oras para ro’n. Ayaw ko rin po siya i-pressure na gusto ko na maging kami na. Gusto ko rin dumating na ‘yung tamang oras na ready na siya,” giit ng aktor.

Hinihintay na lamang ni Allen ang tamang pagkakataon upang ituloy na ang panliligaw kay Sofia. “Anytime nga po, kung sasabihin na pwede na, game po ako. Basta palagi kong sinasabi sa kanya na nandito lang ako palagi, naghihintay ng matamis mong ‘oo,’” nakangiting pagtatapos ng binata. (Reports from JCC)

RURU MADRID

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with