Marimar, may pa-aw aw ulit!

Marimar.
STAR/ File

True pala na mapapanood na ulit ang Marimar.

Tama nga ang chika sa akin na ipalalabas ulit ito sa TV5.

‘Di ba parang throwback na ata ito.

Hahahaha.

Palagay n’yo ba may manonood pa nito?

Wala na bang ibang palabas para ibalik si Marimar?

Curious lang me ha kung ba’t ibabalik sa ere? Sana ‘yung ibang mga palabas na lang ng alaga ng TV5 ang ipapanood ulit para mas makilala pa sila.

‘Di ba may punto ako? Hahaha.

Basta ako ang pinagkakaabalahan ko pa rin ngayon ay ‘yung mga Koreanovela na talagang hindi ako nauumay na panoorin.

Ewan ko ba kung anong meron ang mga Koreano at parang ang saya nang pakiramdam ko tuwing nakatutok ako sa K-drama na paulit-ulit akong tinatanong ng apo-apohan kong si MJ kung ba’t paulit-ulit ko raw pinapanood. Hindi ko raw ba naiintindihan.

Basta, isa ‘yun sa nagpapasaya sa buhay ko ngayon. ‘Yun nga lang wala nang pag-asa na makita ko ng personal ang mga idolo kong Korean actor.

Tapos na ako sa ilusyon kong isang araw ay makikita ko sila ng personal. Sinubukan ko naman at ginawa ang lahat, pero mailap ang pagkakataon, hindi ko sila nakita o nasilayan man lang sa ilang beses kong pagpunta sa South Korea.

Ngayon nakatago na ang passport ko at hindi na ako pinapayagang magbiyahe dahil sa pagpapa-dialysis ko.

Bawal mag-absent sa dialysis. Pwede naman daw mag-abroad pero magda-dialysis ka pa rin. Kailangan mong makipag-coordinate sa hospital sa pupuntahan mong bansa. Ganun.

Nakakaloka ‘di ba. So ba’t pa ako maga-abroad kung magpapa-dialysis din naman ako?

Naku emote pa more.

Basta let’s enjoy life, ‘wag maging nega.

Show comments