^

PSN Showbiz

Sinulog Fest dinagsa ng mga Kapamilya, Kapuso, at mga pulitiko!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Sinulog Fest dinagsa ng mga Kapamilya, Kapuso, at mga pulitiko!
Sen. Bong Revila.
STAR/ File

Star-studded ang Sinulog festival sa Cebu nung Linggo, dahil bukod sa mga nagpo-promote ng programa doon, may ilang pulitikong nangangampanya na.

Nakikita naman sa mga social media post nila kung paano sila pinagkaguluhan ng mga tao roon.

Isa na rito si Sen. Bong Revilla na talagang inikot ang buong Cebu, pagkatapos niyang sumali rin sa Ati-Atihan sa Kalibo.

Isinama ni Coco Martin si Sen. Lito Lapid para makapag-ikot na rin doon ang senador na tatakbo uli ngayong eleksyon.

Todo rin ang mga Kapuso stars sa pag-iikot sa Cebu, pero ang halos nagkasabay doon ay sina Coco at Ruru na muling magtatapat ang programa.

Ang unang Lolong ni Ruru ay tinapatan ang FPJ’s ang Probinsyano ni Coco.

Humataw sa ratings noon ang Lolong at madalas ay natatalo nito ang teleserye ni Coco.

Sumunod ay ang Ang Batang Quiapo na maganda rin ang pagtanggap ng mga manonood. Nanatiling malakas pa rin ito nang tinapatan sa pangalawang pagkakataon ni Ruru ng kanyang Black Rider.

Ngayon ay  round 3 na silang magtatapat ni Coco ng sequel ng Lolong na mas pinalakas daw ang ‘dambuhalang pagbabalik ni Dakila’ ang higanteng buwaya na kakampi ni Lolong.

Sabi naman ni Ruru nang naka-text namin through his handler, para naman daw ito sa mga manonood ang tapatan ng programa nila ni Coco.

“Masaya at excited ako sa aming pangatlong pagtatapat kasi nabibigyan namin pareho ng kasiyahan ang mga manonood sa pamamagitan ng aming palabas.

“Ang wagi po ay tayong mga Pilipino.”

Tingnan natin kung lalaban sa ratings nang bonggang-bongga itong Lolong ni Ruru sa Ang Batang Quiapo ni Coco.

Samantala, kapansin-pansin na bumababa na ang viewership ng karamihang programa sa telebisyon.

Noong nakaraang Biyernes ay mababa ang ratings ng halos lahat na programa sa hapon.

Ngayong araw naman ay ang ibubunyag na kung sino ang Ultimate Star na mag-shine uli sa Kapuso network.

Si Jennylyn Mercado ang Kapuso Ultimate Star, kaya obvious na siya ang tinutukoy nila.

Sinabi naman ni Jennylyn na pipirma siya uli sa GMA 7 at hindi niya iwan ang Kapuso network, kaya siya na nga itong ia-announce nila sa story conference ng bagong action-drama series na pagsasamahan nila ni Dennis Trillo.

Ito yung Sanggang-Dikit na dapat ay gagawin noon nina Derek Ramsay at Andrea Torres.

Maimpluwensiyang bakla nakulong sa ibang bansa

May nagkuwento sa aming nakakulong daw sa ibang bansa ang gay personality na kilalang-kilala sa showbiz.

Nagpo-produce itong si gay personality ng mga show, pelikula at napapag-usapan siya noon sa mga naggaguwapuhang lalaking na-link sa kanya. Pero napaka-generous nito hindi lang sa mga lalaki niya, kundi pati sa mga kaibigang nangangailangan.

Ang hilig niyang magkuwento ng mga sexcapades niya sa mga lalaking nagbabakasakaling sumikat sa showbiz. Pero ang ending nagiging boytoy sila nitong si gay personality.

Isang producer na nakatrabaho niya noon ang nagtanong sa akin kung totoong nakakulong itong si gay personality.

Hindi lang daw niya alam kung anong kaso, at kung saan, pero kapansin-pansin nga ang pananahimik nito sa ngayon.

Ang latest lang na nasagap namin ay naging pastor na ang isang guwapong lalaking nakarelasyon niya noon.

SINULOG

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with