Coco at Ruru, ‘di patas ang laban?!
By this time, alam na natin ang ratings ng pilot episode ng Lolong 2 na katapat ang FPJ’s Batang Quiapo. Of course kanya-kanyang pagpapabida ang mga network diyan, pero alam natin na hindi pantay ang laban - isang may franchise, isang wala. At may social media pang hindi pareho ang panukat. Sino sa tingin n’yo ang nagwagi?
Ang unang season ng Lolong ni Ruru ay nakatapat pa noon ang pagtatapos ng FPJ’s ang Probinsyano ni Coco, at humataw ito sa ratings.
Tumaas lang noon ang FPJ’s ang Probinsyano nang mag-finale na ito. Ang FPJ’s Batang Quiapo ang isinunod ni Coco, at tinapatan ito ni Ruru ng Black Rider. Pero nanatiling malakas ang Batang Quiapo.
Heto at todo ang pag-promote ng dalawang shows hanggang sa Sinulog sa Cebu para hindi bitawan ng kani-kanyang audience. Para kanino kayo: Team Batang Quiapo or Team Lolong 2?
Para kay John Arcilla kaya, ano at sino ngayon ang mas malapit sa kanyang puso - si Coco o si Ruru?
Moira at Christian, nilayasan na ang manager
Totoo bang wala na si Moira sa talent management group niya na Cornerstone at parang hindi raw maganda ang pagkakaalis nito sa dati niyang management? Bakit kaya?
At totoo bang wala na si Christian Bautista sa Stages nina Carlo Orosa at Audie Gemora dahil mas pinili na nito na maging under ng kumpanya nilang mag-asawa? Hindi na ba niya nakayanang pagsabayin ang grupo nila ni Kat at ng dati niyang management? Anyare sa collab?
Oh well, good luck na lang!
Musical film, na nakatakdang gawin hindi pang masa?!
Ipinagmamalaki ng theater community na after Isang Himala eh Nasaan si Hesus naman ni Mrs. Pimentel ang gagawing musical film with Jeffrey Hidalgo, Geneva Cruz, at Rachel Alejandro bilang bida. Talaga?
Lessons from sang Himala, bagama’t may familiar ang storyline, kumusta ang mga kanta, nakakanta at may LSS ba?
At sa casting, katulad ng sinabi ng FDCP Chair na si Direk Joey Reyes, may following ba ng masa?
Kung hindi intensyon ng produksyon na kumita, baka ok lang ito. Pero paano kaya maibabalik ang investment nito? Abangan!
Aktor, swabe ang galaw sa mgA naging problema
Totoo pala ang usap-usapan noon ukol sa aktor na tinanggal na sa commercial simula nang nasangkot ang pangalan sa isang shady business deal. Mukhang na clear naman ang kanyang pangalan nang ma-settle ang kanyang financial liabilities ng isang taong makapangyarihan at malapit sa kanya. At ngayon, justified ang kanyang pagkawala sa commercial dahil nakatakda siyang tumakbo raw sa darating na eleksyon. Ang ayos ng mga moves, ‘di ba?
Sana naituro niya ito sa ibang artista pang may ganitong kaso at nakulong pa. Sana all daw talaga.
Nakakataquote:
“The Special Seventh Division sentenced Bautista and Cuña to an indeterminate penalty of six years and one month as minimum to 10 years maximum.
They will also face perpetual disqualification from holding public office.
The anti-graft court did not impose fines on Bautista and Cuña, citing the IT firm that received the payment was not included in the charge nor in the internal auditor’s investigation findings.”
- Court Decision on the graft case of former QC Mayor Herbert Bautista
- Latest