Richard, Mas Maligaya At Kuntento Ngayon! Amang si Eddie Gutierrez, ngayon lang ulit nakaeksena
Astig nga ang Incognito, katulad nang sinabi ni Richard Gutierrez nang huling makausap namin. Hindi puchu puchu.
Maangas at maaksyon ang mga eksena nila sa advance episodes na napapanood sa Netflix noong Sabado. Na ayon sa actor ay ibinigay niya ang lahat-lahat ng skills and abilities niya rito.
Ngayong gabi pa lang ito mag-uumpisang mapanood sa free TV.
Isa pang kina-excite rito ni Richard ay gumaganap na ama niya si Eddie Gutierrez rito na hindi na niya maalala kung anong huling proyekto nila na magkasama.
“I think the last time was ahh…”
At kung excited siya, mas sobrang excited aniya ang kanyang daddy. “Actually nung i-offer sa kanya na he will portray as my father sobrang na-excite siya especially na ‘yung character niya general, sobrang excited siya, kasi matagal-tagal din siyang hindi nakagawa ng teleserye,” kuwento ni Richard na magse-celebrate ng birthday tomorrow, Jan. 21, ng kakambal niyang si Raymond.
Pero ang dami palang offer sa kanyang ama na teleserye pero ayaw na nila itong pagtrabahunin.
“May edad na rin kasi ang dad ko. Alam naman natin ‘pag teleserye talagang… madugong trabaho ‘yan, puyatan, pukpukan, so relax naman siya, chill naman siya sa bahay, so pinipili na rin naman niya ‘yung projects na gagawin niya. And dito sa Incognito ‘pag nag-taping siya talagang nasa oras, ‘yung script niya in advance binibigay. Pagdating niya sa set memorized na niya, kaya ang sarap ng batuhan namin, kasi memorized na niya ‘yung character niya, he’s very passionate about it and ‘yun nga mini-minimize namin ang risk and make sure everything is safe,” sabi pa ng actor.
At hindi siya basta special participation sa nag-umpisang serye. “‘Yung role is gonna be part of the the series, talagang ingrained ‘yung character niya sa istorya. Pero ‘yung taping niya siyempre ‘yung taping niya pabalik-balik, hindi namin siya masyadong pinagtatrabaho ng long days or long hours pero excited siya, happy siya na nasa Baguio rin kami,” kuwento pa ng actor na inabswelto na si Barbie Imperial sa third party controversy sa hiwalayan nila ni Sarah Lahbati.
Pero hindi aniya nila kasama si tita Annabelle Rama sa taping dahil ayaw raw nitong mag-travel.
Aside from this action series, handa na ring bumalik sa pelikula si Richard.
May mga concept na raw silang pinagpipilian kabilang na ang galing kay Raymond na isang romcom-action film na mala-Bodyguard pero updated version kumbaga.
Na mala-Sarah Geronimo sana ang pwedeng partner.
Hanggang nabanggit na rin ang pangalan ni Angel Locsin.“Si Angel, ‘no? Sana, ‘no? Sana nga bumalik si Angel, eh.”
Bagama’t matagal-tagal na rin silang hindi nagkikita ng perennial screen partner, in a way ay may communication naman sila through her husband, Neil Arce.
And Angel is doing good, pahayag ni Richard.
Anyway, definitely, inaayos na nila ang pelikula at kasama nga si Raymond sa nagko-conceptualize.
Sa kasalukuyan ay happy and content na si Richard. “I’m content; I’m happy; I get to spend time with my kids and get to spend time with my family, my big project. I can’t ask for more.”
Ang daming changes in the past years ngayong 40 years old na siya at umaasa ang actor ng more peaceful 2025.
Anyway, bukod sa trainings, ibang level din kumbaga ang location shoots ng Incognito. Nakapag-shoot na sila sa Palawan (dream ni Chard), Italy at Baguio, kung saan dumalaw pa ang mga anak ng aktor na sina Zion at Kai.
Next month, sa Japan naman nakatakdang mag-shoot ang production.
At hindi siya nagulat na enjoy ang mga anak niya sa taping na halos ayaw umuwi.
“Bumisita sila sa akin sa Baguio. Ayaw na ngang umuwi kasi nag-enjoy sila manood ng action sequences,” kuwento pa ni Chard sa ilang kaharap na entertainment media.
Ang dami raw tanong ng mga anak at si Zion gusto pang mag-cameo sa show. “Oo, gusto raw niya mag-cameo. Ako, papayagan ko siya depende sa kwento na magagawa ng mga writers. Pero why not? Kung mai-enjoy naman namin, experience din ’yon for him, ‘di ba? Paglaki niya pwede niya sabihin na nag-guest siya sa Incognito. Oo, sa Fantastica, nag-cameo siya sa ending,” paglalahad pa ni Chard.
Number 1 na kaagad ito sa Netflix na mapapanood na rin ngayong gabi sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, Jeepney TV, A2Z at TV5.
Kasama naman ni Richard sa action-packed series sina Ian Veneracion, Daniel Padilla, Baron Geisler, Anthony Jennings, Maris Racal, Kaila Estrada at marami pang iba sa direksyon ni Lester Pimentel Ong.
- Latest