^

PSN Showbiz

Coco, ginalaw ang mga character ng Quiapo

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Coco, ginalaw ang mga character ng Quiapo
Coco Martin.
STAR/ File

Nakatakdang sumabog ang mga rebelasyon sa FPJ’s Batang Quiapo dahil sa mga pagbabagong mangyayari sa buhay ni Tanggol (Coco Martin) sa serye, na ipinagdiriwang ang ika-500 na episode noong Enero 16.

Nababalot man ng hinagpis ang puso ni Tanggol matapos malaman na hindi si Rigor (John Estrada) ang tatay niya, desidido na siyang hanapin ang totoo niyang ama para tuluyang alamin ang tunay niyang pagkatao. Isang malaking gulo naman ang nagbabadya kasi hindi magiging madali para kay Tanggol na mag-move on kaya maghihiganti pa siya kay Rigor para sa lahat ng pagmamaltrato na ginawa sa kanya nito.

Simula pa lang daw ito ng mga aabangang pasabog sa hit Kapamilya serye dahil ibinahagi ni Coco na maraming mangyayaring pagbabago sa takbo ng kwento at may mga bagong karakter din na papasok.

“Ginalaw ko na ‘yung bawat character. Ito na ang lahat ng revelation kasi may papasok na mga bagong karakter at panibagong kwento. Gusto namin na parang ibang show na ang pinapanood ng viewers para hindi natatapos ang excitement gabi-gabi,” sabi ni Coco sa kanyang panayam sa TV Patrol.

May pahapyaw naman si Coco sa kanyang sorpresa na magugulat at siguradong matutuwa ang mga manonood sa mga bagong karakter na kinabibilangan ng mga bigating artista.

“Dream cast. Lagi kong nilu-look forward na makatrabaho ang mga mahuhusay na veteran actors at ‘yung mga artista na gustong-gustong mapanood ng mga bata. Tamang combination ito ng cast,” dagdag pa ng actor

Napapanood ang maaaksyong kaganapan sa FPJ’s Batang Quiapo, na hango sa orihinal na kwento ng Regal Films, gabi-gabi ng 8 p.m. sa Kapa­milya Channel, A2Z, TV5, iWantTFC, at Kapamilya Online Live.

COCO MARTIN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with