Mabilis na nadiskubre ni Rufa Mae Quinto na ginagamit na siya ng ilang scammer.
Kaya naman nilinaw niyang hindi siya nanghihingi ng pera.
“Mga scammers po asking money using my name . Wala po akong Kailangan financial support Kahit kanino. And I’m not asking money Hinde ko po cel no. Yan at Hinde ako yan . Paki kalat nyo nga po please itong gusto mang hingi ng pera sa mga kakilala ko. Wag na kayo gumawa ng kwento at naireport ko na kayo sa lawyer ko. Friends be ware and aware! Salamat for sharing to all,” sabi niya kalakip ang screenshot ng supposedly ay conversation nila ng magbibigay ng tulong sa komedyana.
Makikita nga na nanghihiram ang diumano’y si ‘Rufa’ ng P45,000 na pandagdag sa kanyang bail.
May ilan ngang nagbibigay ng financial help kay Rufa Mae like Willie Revillame. Pero milyones at hindi barya kumbaga.
Makikita rin na ang name ng sender ay “Ruffa Mae Quinto” at hindi “Rufa” na right spelling ng pangalan niya.
Caption ni Rufa, “Mga friends wag nyo po ito bibigayn ng pera kasi he is using my name para ma mera. Isa syang scammer pero na report ko na po sya sa lawyer and sa police. Kaya tumigil ka na scammer using my name na mali spelling ng Ruffa. Kaya no no no! Please share na never ako nag ask ng pera pang bail kahit kanino. At kahit kelan di ako humihingi pera or help kahit kanino. Paki share guys.”
At ang last caption niya kahapon : “Buti pala i regular myself in the Philippines, para maka help help hooray sa mga nang eechos na scammers and all! Maging matalino , use our brains.”
Si Rufa Mae ang kasalukuyang patrona ng mga may pinagdaraanan at reyna ng positivity matapos siyang sumuko sa National Bureau of Investigation (NBI) sa kanyang pagbabalik sa Pilipinas, humigit-kumulang isang buwan matapos kumpirmahin ng kanyang kampo ang pagpapalabas ng warrant of arrest dahil sa umano’y investment scam.
In all fairness, hindi siya nagtago.