Hindi pinalampas ng TV host na si Bianca Gonzalez ang pagmumura ng isang fan dahil lamang sa sinasabing ‘bunutan’ sa Pinoy Big Brother kung saan naroon ang mga PBB Gen 11 housemates.
Kesyo hindi raw nagustuhan ng fan ang resulta ng bunutan kaya nagalit ito at nagmura ng ilang beses.
Sinabi pa raw nito na scripted ang programa at itinag pa ang X account ng PBB.
Pumalag naman si Bianca at nag-reply sa hanash ng fan.
Bakit daw kailangang murahin sila at insultuhin dahil lamang sa opinyon nito at obserbasyon.
Marami raw silang natatanggap na bashing at naiintindihan daw niya iyon pero ‘pag sobra na raw ay hindi raw niya pinalalagpas.
Hinamon pa niyang tanungin ang mga housemate kung gusto talaga ng fan malaman ang totoo.
Nagpaliwanag pa ang misis ni JC Intal at bahagi noon ay dahil kinulang na nga raw sila sa oras kaya tumalon na raw ang eksena sa question and answer.
Pinahahalagahan daw nila ang mga opinyon ng fans pero kapag minura na raw sila ay mali iyon. Sana raw sa susunod ay ibahagi nito ang saloobin niya nang mas makatao.
Pero parang ‘di pa rin natinag ang netizen dahil sumagot pa ito kay Bianca.
Nirerespeto raw niya ito at humingi ng tawad na namura niya ito sa tweet. Tila sinisi niya pa ito sa rami raw ng tweets ay sa kanya pa na may mura ito nag-reply. Sana raw in-address nito lahat kasama ang pag-slut shame sa iniidolo niya at naawa raw siya na bina-bash ang mga ito.
Nagdudulot pa raw iyon ng fan wars.
Teka ano bang bunutan ‘yan? ‘Kaloka.
Bunutan ng papasok sa Bahay ni Kuya?
Ano ba ‘yan. Parang ang liit na bagay pero pagdating sa social media parang napaka-importante.
‘Kakaloka ang mga netizen noh.
Dapat magkaroon na rin sila ng ibang pagkakaabalahan para naman tumalino sila ng konti at ‘wag pagtiyagaan ang mga kababawan sa social media para lang may pag-usapan.
At si Bianca, pumatol talaga.
Hahaha.