^

PSN Showbiz

Jillian, walang alam sa pinagsasabi ni Sofia

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Jillian, walang alam sa pinagsasabi ni Sofia
Jillian Ward.
STAR/ File

Nagbigay ng reaksyon si Jillian Ward tungkol sa napabalitang iringan umano sa pagitan nila ni Sofia Pablo. Naibahagi kamakailan ni Sofia sa publiko na nagkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan ni Jillian mahigit apat na taon na ang nakalilipas. Ayon pa kay Sofia ay hindi na sila muling nagkausap pa ni Jillian mula noon. “Ako po kasi I’m doing so much in my life. So hindi ko po alam kung saan galing ‘yung narrative na ‘yon na we’re fighting. I’m doing different things and I’m reflecting still do’n sa separation ng parents ko,” makahulugang paliwanag ni Jillian.

Hindi raw alam ng Kapuso actress kung bakit muling napag-uusapan ang tungkol sa nangyari sa pagitan nila ni Sofia.  “I’m just confused on what’s happening. I feel like, what we need right now with everyone is to focus on ourselves and to be very honest to everyone around us and with ourselves,” giit ng dalaga.

Hangga’t  maaari ay sinisikap ni Jillian na ibaling ang panahon sa mga mabubuti o positibong bagay lamang. “I’m very happy with my blessings. I’m happy to be surrounded by honest and very loving, loyal people,” pagtatapos ng Kapuso actress.

Vina, ninerbyos

Magkahalong emosyon ang naramdaman ni Vina Morales dahil sa kanyang pagbabalik sa GMA. Matatandaang mahigit dalawang dekada na ang nakalilipas nang huling magtrabaho ang singer-actress sa programang SOP ng Kapuso Network. “Actually, hindi ako mapakali, sobrang mixed emotions. I had butterflies in my stomach, ninenerbiyos ako in a way dahil excited ako,” pagtatapat ni Vina.

Nakatakdang magbida nina Vina at Gladys Reyes sa seryeng Cruz vs. Cruz. Para kay Vina ay talagang makare-relate ang mga manonood sa kanilang bagong programa. “Lahat makare-relate kasi it’s ‘Cruz vs. Cruz.’ So dalawang pamilya na nangyayari, it’s based on a true to life story. I am Thelma Ruiz Cruz, ako ‘yung common law wife,” pagdedetalye niya.

Ayon kay Vina ay nakahanda na rin siyang sumabak muli sa pagsasayaw at pagkanta sa variety show ng Kapuso Network kung mabibigyan ng pagkakataon. “Samantala, kahit matagal nang magkaibigan ay ngayon lamang magkakasama sa isang teleserye sina Vina at Gladys. Masayang-masaya si Gladys dahil nabigyan sila ng pagkakataon ng kaibigan na magkatrabaho sa isang proyekto. “Sobra akong na-excite, at the same time din naisip ko, ‘Teka lang, nagserye na ba siya ever sa GMA?’ Parang hindi pa ‘no? So very first teleserye niya ‘to sa GMA. I’m so happy na magkasama kami,” nakangi­ting pahayag ni Gladys. (Reports from JCC)

JILLIAN WARD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with