^

PSN Showbiz

Pati kotse tinatapatan...Darryl Yap, pinagdududahang may backup na madatung sa laban kay bossing Vic!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Pati kotse tinatapatan...Darryl Yap, pinagdududahang may backup na madatung sa laban kay bossing Vic!
Darryl Yap

Sa ating patuloy na pagdalirot sa kontrobersyal na pelikulang The R*pists of Pepsi Paloma, ang tingin ng karamihan ay politically-motivated ito.

May mga lumalabas na pangalan ng ilang pulitiko, pati nga ang TAPE, Inc. ay pinagdudahan.

Pero pinagdiinan ni direk Darryl Yap na wala silang kinalaman. Dahil sa pareho silang taga-Olongapo, kaya ‘yun ang isa sa dahilan kung bakit niya ginawa ang pelikula.

“The Rapists of #PepsiPaloma is not under TAPE Inc. It was not funded by Anti-Sottos, and definitely not made to clear the Sotto Connection,” bahagi ng mga nakaraang FB posts ng direktor.

Pero ang latest pang nasagap namin, isang reliable source na hindi taga-showbiz ang nagkuwento sa aming nakita raw niya ang picture ng isang super yamang tao na may koneksyon din sa pulitika na kasama si direk Darryl Yap.

Pauleen Luna at Vic Sotto

Itong super yamang taong ito ay matinding kalaban ng isang kilalang taong malapit kay Vic Sotto.

Hindi naman daw niya sinasabing itong taong ito ang nag-finance ng pelikulang ito, pero isa raw ito sa pinagdududahan nila.

May malakas na tao ba sa likod nitong pelikulang The R*pists of Pepsi Paloma?

Hindi ba kaya ni direk Darryl na maglabas ng sariling pera para sa pelikulang ito?

Base sa kotseng gamit ni direk Darryl Yap nang dumalo ito sa summary hearing nila noong Biyernes, napakarami niyang pera!

Napagtripan nga ng media habang naghihintay sila nang matagal sa hearing na ‘yun, dahil parehong Lexus LM 350H ang sinakyang kotse nila ni Vic Sotto.

Sabi sa kanilang pagtatanong, worth P11M daw ang kotseng ito na nalaman nga namin kung saan ito nabili ni Bossing Vic. Black ang Lexus LM ni Bossing Vic at Pauleen Luna, ang kay direk Darryl naman ay grey.

Pero nandiyan pa rin ang dudang meron talagang nag-finance sa pelikulang ito ni direk Darryl para siraan lang ang mga Sotto?

Ito rin kaya ang nag-finance ng legal team ni direk Darryl?

Ruru, sumumpang ‘di yayabang

Sa Lunes na magsisimula sa GMA Primetime ang Lolong: Bayani ng Bayan na pinagbibidahan ni Ruru Madrid.

Ito bale ang pangatlong pagtatapat nila ng teleserye ni Coco Martin.

Ang Unang Lolong ni Ruru ay ilang beses din nitong natalo ang huling bahagi ng Ang Probinsyano ni Coco Martin.

Nagpakita ng lakas itong crocodile-themed action-adventure drama series ni Ruru, kaya tama namang magkaroon ito ng sequel.

Ang sumunod na tapatan nina Ruru at Coco ay ang kanyang Black Rider na lumaban naman kahit paano sa malakas pa ring Ang Batang Quiapo.

Masusubukan ngayon itong Lolong: Bayani ng Bayan na mas pinalaki nila at ang daming karakter na involved sa kuwento.

Ang laki ng kaibahan nito ngayon kay Ruru dahil kitang-kita mo ang confidence sa kanya ngayon lalo na’t may legit na talaga siyang acting award.

Sa totoo lang, may mga pagkakapareho sina Coco at Ruru pagdating sa kanilang pagkatao.

Kagaya ni Coco, ang dami ring pinagdaanan ni Ruru bago niya naabot itong tagumpay na tinatamasa niya ngayon.

Pero ang isa talaga sa pagkakapareho nilang dalawa ay nanatili pa rin silang mabait, humble at hindi nagbabago.

Nakausap ko ang ilang dati pang nakatrabaho ni Coco at puring-puri nila ang actor/director na nanatili raw itong mapagkumbaba at hindi nakakalimot sa mga taong pinagkautangan nila ng loob.

Sabi naman ni Ruru, laging nakaukit sa isip niyang hindi siya talaga magbabago.

“Siguro para sa akin kasi, ang paglaki ng ulo or parang maging kampante, siguro mangyayari lang ‘yan pagka hindi ka o kumbaga, parang naging ingrato sa mga nangyayari. Kasi, para sa akin everyday lagi kong ipinagpapasalamat, kasi alam ko anytime na gustuhin na mawala po ito, sandali lang mawawala e,” pakli ni Ruru.

Ang laging nasa isip daw niya ay ayaw niyang mabalik siya sa dating kala­gayan niya.

“So, dahil ko alam ko ‘yung hirap ng mga pagsubok na pinagdaanan ko bago ko siya makuha, hindi ko tini-take for granted.

“Kumbaga, hindi siya pupunta sa ulo ko, hindi ako magiging mayabang, hindi lalaki ‘yung ulo ko kasi ayoko nang bumalik sa dati ‘yung hirap ko nu’n na parang noon na parang dinadaan-daanan ka lang, hindi ka nirerespeto na parang tingin sa ‘yo wala lang na may mga sasabihing hindi magaganda sa ‘yo, ang hirap. And I know ang daming nagdadanas ng ganung klaseng pakiramdam. So, gusto kong gamitin itong nangyayari sa akin, to give inspiration sa mga katulad ko na nangangarap na may mga ganun mang pagsubok na dumadaan sa atin. Pero basta magpursige ka, manalig ka sa Panginoon kung ano ‘yung nakalaan para sa atin, mangyayari ‘yun,” sabi pa ni Ruru Madrid.

ACTOR

TRENDING

VIC SOTTO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with