Dinagsa ng maraming political and showbiz personalities ang 50th birthday and book launching ng broadcast journalist na si Anthony Taberna (Ka Tunying) noong Huwebes ng gabi na ginanap sa Solaire North Ball room.
Tapatan 50 People / 50 stories ang pamagat ng libro at nakapaloob doon ang unforgettable interviews ni Ka Tunying (na ang iba ay present nung gabing ‘yun) sa 50 political and showbiz personalities.
Maron itong 230 pages at hardbound.
Paulit-ulit ang pasasalamat ni Ka Tunying sa kanyang misis na siyang nakaisip ng lahat upang matupad ang pangarap niyang libro at ng launching nito kasabay ng kanyang 50th birthday.
Pinangunahan ni First Lady Liza Marcos ang mga bisita sa nasabing okasyon. Idinelay actually raw ng unang ginang ang kanyang biyahe sa Indonesia upang dumalo roon.
Ang dami talagang pulitiko na dumalo kabilang na sina Education Secretary Sonny Angara, Cong. Toby Tiangco, Sen. Sherwin Gatchalian, Cong. Camille Villar, Sen. Mark Villar and former Senator Manny Villar, Sen. Bong Revilla, Star for All Seasons Vilma Santos at maraming-marami pang iba.
Nagkaroon din ng Toni Talks edition with Toni Gonzaga (na nagpasalamat dahil nung time raw na binabakbakan siya ng bashers ay dinamayan sila nina Ka Tunying at Rossel) and Fast Talk with Boy Abunda.
Bago ‘yun ay naunang sumalang si Arnold Clavio para sa isang one-on-one interview sa kanyang dating ‘katapat’ sa GMA 7.
Kabilang naman sa nag-perform si Martin Nievera.
Ang engrandeng book launching at birthday celebration ay produced ng Outbox Media Productions ni Ms. Rossel.
Ang pagbebentahan ng libro ni Ka Tunying ay ido-donate sa mga organization na tumutulong sa may sakit na leukemia. Ang panganay sa dalawang anak nina Ka Tunying at Rossel na si Zoey Taberna ay milagrong naka-survive sa sakit na leukemia.